Ako si Ilo Kano. Nag-aaral ako sa BETS kasama ng aking mga kaibigan na
sila Nebi Kol, Jems Feet, Kiri Hara at Jeoffy Weteng. Kami ay sabay umuuwi
at sabay pumapasok.
Isang araw habang kami ay naglalakad pauwi, may nakita kaming lalaki at may hawak siyang mga candy, nilapitan namin siya at nagtaning kami kung nagbebemta ba siya ng candy. Sinabi niya na hindi niya ito binebenta at binulong niya sa amin na sundan namin siya. Kami ay dinala niya sa tapat ng isang bar at tinaob niya ang isang basurahan. Nang tinaob niya ito may bumukas na pinto sa tabi ng bar at pumasok kami doon. Naglakad kami pababa ng bakal na hagdan at nagukat kami ng may nakita kamin isang malaking makina, ito ay gumagawa ng maraming candy at natatak dito ay ang salitang "KENDI". Sinabi sa amin ng lalaki na siya si Prof. Kendi ang dating sanitary engineer sa BETS at sinabi niya ang tungkol sa Kendi, ang kanyang imbensyon. Ang pagkain raw ng Kendi ay magbibigay ng panandaliang kapangyarihan. Sinabi sa amin ni Prof. Kendi na kaya siya nawala sa BETS ay dahil sa paghahanap sa kanya ng mga alahad ni Bhoxz B3k1m0onzt4z na isang kriminal na naghahangad ng kapangyarihan.
Si Bhoxz B3k1m0onzt4z ay napaka-makapangyarihan at kayang makita at makontrol ang mga CCTV sa paligid kaya huwag mo babasahin ang librong ito sa lugar na may CCTV dahil makikita niya ito at matatalo kami sa laban.
Pinasubok sa amin ni Prof. Kendi ang ilan sa kanyang mga nagawang KENDI at ako ay nakapagtype ng mabilis, si Nebi ay natutong tumugtog ng gitara, si Jems ay nagkaroon ng malalakas na binti, si Kiri ay nakagawa ng thesis at si Jeoffy ay lumakas mang asar.
Kami ay lumabas na sa kuwarto, nagpaalam kay Prof. Kendi at nagbaon ng tig-limang KENDI. Nangako kaming walang pagsasabihan at itinayo namin ang basurahan para sumara ang pinto. Nagpatuloy na kami sa paglalakad nang nawala ang epekto ng KENDI.
BINABASA MO ANG
Ang KENDI Warriors
RandomRead the adventures of a group who gains power from eating magical candies called "Kendi" which was accidentally discovered by Prof. Kenny Dibursyo aka Prof. Kendi who is a Sanitary Engineer in BETS (Busina Expert Training School). What will they le...