Kami ay nag simula na sa page-ensayo, maraming itinuro sa amin tulad ng isang pulgadang suntok (1 inch punch), suntok ng ibon (falcon punch), sipa ng bilog na bahay (roundhouse kick) at ang sipang palakol (axe kick). Tinuruan din kami ng ilong nakamamatay na galaw tulad ng palad ng sumasampalataya kay buddha (buddhist palm), bagsak sakal (choke slam) at ang pinaka importantesa lahat ay ang paraan ng makapangyarihan na pagtakbo, na magagamit namin kapag kami ay matatalo na.
Kami ay tuloy-tuloy na nag-ensayo sa loob ng isang buwan habang nag-aaral at nagtra-trabaho sa Perang Bituin, isang sikat na kapehan. Kami ay bibihirang magpakita sa ibang tao eahil kalahating araw kaming nag-eensayo sa mga estero ng Payatas at kung minsan naman kami ay nasa tabi ng Sogo Hotel sa bayan.
Nang kami ay matapos sa pag-eensayo nakipag sparring kami kay Thunder Lolo at natalo namin siya, binasabasan niya kami at binigyan ng tig-isang sampal sa mukha para raw magising ang aming taglay na kabutihan. Paglabas namin sa kumbento ni Thunder Lolo ay dumiretso kami sa eskwelahan para sa aming pagtatapos, kaming apat ay naging matagumpay at nagkamit ng maraming medalya.
Bakasyon na kaya kamimay nagpunta sa kanto. Kami ay nakita ng mga alagad ni Bhoxz at ng mga amazona kaya agad kaming naghanda, dumating si Thunder Lolo at nagsimula ang sagupaan. Marami kaming napatumba ngunit nasaksak ang kapa ni Thunder Lolo na nagbibigay sa kanya ng walang hanggang buhay. Napunit ito kaya namatay ng tuluyan si Thunder Lolo. Sasakay na dapat kami sa mahiwagang kotse upang makalayo sa laban ngunit nasira ito kaya kami ay nagulat, ginamit nalang namin ang teknik ng mabilis na pagtakbo upang makalayo.
Inilibing namin si Thunder Lolo at aumumpa na mas lalong magpapalakas para wala nang mamatay at masaktan. Kinumpuni namin ang mahiwagang kotse para mas mabilis mahanap ang mga amazona at si Bhoxz.
BINABASA MO ANG
Ang KENDI Warriors
RandomRead the adventures of a group who gains power from eating magical candies called "Kendi" which was accidentally discovered by Prof. Kenny Dibursyo aka Prof. Kendi who is a Sanitary Engineer in BETS (Busina Expert Training School). What will they le...