Chapter 1

4.6K 108 17
                                    


No one


"Fourballs, restroom lang ako. I need to change my top," paalam ko sa kanila sabay abot ng ilang paper bags ng mga pinamili ko kanina sa Bazaar.


"Mabuti pa nga, baka pati kina Rence mapagkamalan ka namang yaya," pang-aasar pa ulit ni Davien habang papalayo ako. Nilingon ko sila pabalik at sinamaan ng tingin si Davi.


Matao ang mall ngayon dahil linggo kaya may maliit na pila sa restroom. Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa pinakagilid na cubicle. Sinuot ko ang white wrap-me-up dress na binili ko kanina sa zazaar. Mabuti nalang at bumagay ang suot kong sapatos dito.

Nang makalapit sa sink, nag-ayos ako ng buhok at mukha. Inilugay ko ang kanina pang naka-bun kong buhok. I have a natural beach wave hair volume but because of the pressure from the bun, it appeared to have gone through an electric hair curler.

After fixing my hair, I put on a little tint on my cheeks and lips. I also enhanced the curl of my lashes and put on a little mascara. And finally, my favorite vanilla lace perfume.


"You're the girl Montero, right?" Biglang tanong ng babaeng katabi ko. Nilingon ko siya mula sa repleksyon namin sa salamin.


Naalala kong siya 'yung kausap ni Pietro kanina sa bazaar. 'Yung preskong isda.


"Yes, why?" I asked her before I smiled.


"Nothing. You're pretty. Like the female version of your hot brothers," sabi niya at inemphasize pa 'yung word na hot. Jeez.


Tipid nalang akong napangiti sa kanya bago nag-ayos ulit ng gamit. I don't exactly know what to answer, anyway. Ni hindi ako sigurado kung kaya niya ako kinakausap dahil gusto niya o dahil kapatid ako ng mga tinutukoy niya.


"I'm Lizzie by the way. Lizzie Robles," ngiti niya sabay lahad ng kamay mula sa giliran ko. Hinarap ko siya at tinanggap ko ang kamay niya bago ngumiti.


"Maggie." I said back.


Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin dahil nagtext na si Raven sa akin, minamadali ako dahil aalis na raw kami. Paglabas ko ng restroom ay nakita ko agad ang apat kong kapatid at si Pietro na naka abang na sa may pintuan ng ladies' restroom. Kaya naman pala todo ngisi ang mga babae na pumapasok kanina.

Lumapit ako sa kanila at inabot kay Daxon ang mga bitbit ko. Nagtaka pa ako nang mapunta sa akin lahat ng mata nila. Inisa-isa ko sila ng tingin habang nakakunot ang kilay.


"What? Let's go," pukaw kong sabi sa kanila. Nanatili akong nakatayo roon habang wala namang kibo ang limang asungot kong kasama.


"Saan ang binyag?" kanchaw na pagbasag ni Davien sa katahimikan bago humagalpak sa tawa na sinabayan naman ng tatlo.


Napatawa rin si Pietro pero nakatingin pa rin sa akin. Sinamaan ko agad sila ng tingin at nagsimulang mauna maglakad sa kanila. They won't really stop pestering me.


"Oh! Pikon na naman!" tawag ni Davien sa akin. Hindi ako nakinig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Mabilis ang mga hakbang at nararamdaman kong binibilisan din nila ang kanila. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang braso ni Raven sa balikat ko. Mabilis nila akong naabutan.

When A Man Falls (Montero Series #1) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon