Chapter 42

1.5K 34 11
                                    

New Year


Binalot ako ng pagtataka nang mabasa ang reply niya. Ang lamig. Ang dry. Ang lungkot.

Tumayo ako at iniwan muna sila sa sala para tawagan si Pietro. Naka-ilang subok na ako pero wala pa ring sumasagot. Wala naman siyang sinabi kung bakit 'di siya makakarating pero kinakabahan ako.

Okay lang naman sa akin kung may mas importante siyang gagawin. He could've explained properly to me kahit sa reply niya man lang. He's leaving me hanging!


To: Pietro
Why? Is everything okay?


Nasa kitchen pa ako nang maabutan ako ni Theia. Kinuha niya sa fridge ang salad na ginawa nila kanina.


"Magg, ayos ka lang? Ba't tulala ka riyan?" tanong niya.


I put down my phone on the counter before answering her. "Piet replied."


"Oh? Ano ang sabi? Papunta na ba?"


"No..." I shook my head. "Hindi siya pupunta."


Inilapag niya ang bowl na pinaglagyan ng salad sa kitchen counter bago humakbang palapit sa akin.


"Bakit daw?" gulat niyang tanong. Nakakunot ang noo niya nang tinignan ako. Napakibit-balikat lang ako sa kanya.


"Wala siyang sinabi," sagot ko ko. "May nabanggit ba siya o sina Tita Cynt sa'yo kung saan sila pupunta ng Papa niya kanina? O may alam ka ba na problema sa bahay nila?"


"Wala naman. Ang sabi may lakad lang sila at tungkol ito sa negosyo. May bagong lupain kasi silang binili para patayuan ng bagong pabrika. Hindi ko naman alam kung saan," sagot ni Theia. "Do you want me to call Tita Cynt and ask her?"


"No... baka busy sila."


"Or why not you call Pietro?"


"Hindi siya sumasagot."

Maging si Theia ay nagtataka na rin sa nangyayari. Isinawalang-kibo ko na lang 'yon at pilit ipinukol ang atensyon sa selebrasyon.


It's already eleven. Nakahanda na ang mga sparklers at fireworks sa backyard para mamaya. Nagbubukas na rin sina Rix ng mga inumin para sa toast sa pagsalubong. Handa na ang lahat. Ako lang itong nawawalan ng gana dahil balisa pa rin.

Parang nawalan ako ng ganang magsaya dahil hindi talaga ako mapakali. Pinagmasdan ko nalang sina Theia at Meadow na nasa picnic mat at inaayusan ng buhok ang kapatid ko. Ang iba kong kapatid ay nasa gilid, naggi-grill.


"Hey, are you still thinking about him?" kinalabit ako ni Daxon dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakatayo na sa gilid ko.


I rested my head on his shoulders while he was wrapping his arms around me.


When A Man Falls (Montero Series #1) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon