Chapter 36

1.6K 41 9
                                    

Tied


"Dito ka ba magsasalubong ng pasko mamaya, Thei?"


Napahinto si Theia sa pagsigaw at pag-cheer kina Rixon dahil sa tanong ko. Nakipaghamon ng laro sina Kurt sa kanila kaya dumagsa kaming lahat sa court dito lang sa loob ng village. May ilang mga residente rin ang nanonood. Ang ilan sa kanila ay mga nag-jo-jogging na napahinto lang din para manood.


"No, Magg. Maraming mga relatives ang uuwi mamaya kaya may malaking gathering. Magkasama kami ni Piet dahil may ilang mga kaibigan sa negosyo rin ang dadalo," sagot niya sa akin.


"So, mag mumokmok na naman mamaya 'tong panganay namin," sabi ko pa sabay tingin kay Rixon na sobrang focus sa laro nila dahil malapit na silang malamangan ng team nina Kurt at Geo.


"Hindi 'yan. Mag-vi-video call naman tayo mamaya," sagot niya at tipid na tumawa.


Kurt and Geo's team won. As usual, nakabusangot na naman ang mukha ni Davien dahil hindi na naman matanggap na natalo sila.

Sabay kaming bumaba ni Theia para salubungin ang apat.


"You know the drill, boys. Libre niyo mamaya. Talo kayo..." ani Kurt sabay upo sa bleacher.


"Hindi kami talo. Naka-chamba lang talaga kayo ngayon," singit ni Davien. Tinawanan lang siya ni Kurt at marahan naman siyang binatukan ni Rixon.


"Learn how to accept defeats, Davi. We can't win in everything all the time," Rixon stated.


Lumapit si Pietro sa akin at inabutan ako ng tuwalya. Hinubad niya ang pang-itaas niyang damit at umupo sa bakanteng bleacher sa harap ko para magpapunas ng likod.


"Hoy, Piet! Kami dapat ang nandyan hindi ikaw!" reklamo ni Davi, mukhang tapos nang makipagtalo kina Rixon sa kabilang banda.


Kinuha niya rin ang tuwalya niya bago naglakad palapit sa amin.


"Move, Piet. Ako mauuna." Bahagyang tinulak ni Davien si Pietro.


"I came here first, Davien. Wait for your turn," si Piet.


Nilingon ako ni Davi sabay turo sa boyfriend kong hindi umaalis sa puwesto niya kanina. "Paalisin mo 'to. Ako uunahin mo, hindi ba? Kuya mo 'ko," paalala niya sa akin.


I looked at Piet quickly before turning to Davi again. Kambal nga sila ni Daxon. Jeez.


"After him, Davi. He got here first," I said, obviously picking Pietro this time.


Davien's lips parted, I laughed.


"You are choosing that man over your own brother?" he dramatically pointed Pietro. I rolled my eyes at him.


I started patting the towel on Pietro's back when I turned my face to look at Davien.


When A Man Falls (Montero Series #1) (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon