chapter six

59 6 2
                                    

Chapter Six (The Beginning)

Angel's POV

"Sa Ilocos Norte :)" sabi ni khaye na nakangiti ng malapad.

Napalaki ang mata naming pito at sabay sabay na nagtanong ng 'what' sakanya.

Ehh sa bakit sa probinsya?! Haller!! Bat hindi nalang england, london, europe o paris, dba?! Aishhh am poor naman ng girl nato!

"But why? We can go to abroad, paris, or london! Thats so cheap!" pag-rereklamo ko sakanya.

"Come to think of it, pag pumunta tayong airport asahan mong may mga pulis kasi 'W' nga tayo diba? Pero pag dito lang may maasahan tayong pulis na roronda dito pero petiks lang yan diba guys?"

Pagpapaliwanag niya. Napa-pout nalang ako.

Yung mga nagreact naman kanina napa'aahh' nalang. Okay may point siya.

Pumasok na kami ng bus na papuntang ilocos norte. Sabi pa ni khaye pumupunta daw siya lagi doon nong buhay pa yung friend ng dad niya pero nung wala na hindi nadin sila bumibisita dun.

Nakadisguise kami ng outfit pati make-up ngayon.

Pagpasok ko ng bus, tatabi sana ako kay katherine pero bigla akong pinigilan ni aldrine.

"Maghiwa-hiwalay nalang tayo, boy-girl nalang magkatabi para hindi tayo masyado mamukhaan" sabi niya.

Napa pout nalang ulit ako. Una kay khaye ngayon sakanya! Okay 'TALO' ako ngayong araw sa lahat ng pagkakataon *pout*

Sumang-ayon naman sila sa sabi ni aldrine kaya nagiwa-hiwalay kami at magkalayo-layo ng upuan.

Napatingin ako sa lalaking wala pang katabi. Kung minamalas ka nga naman ohh!!!! Bat siya pa!!

"Usog ka dun!" sabi ko sakanya at umupo sa tabi niya na yakap yakap ang black and white na zebra pattern kong bagpack.

"tabi ka nga jan! Palit tayo!" kunot-noo niya ding sigaw.

Sumunod nalang ako sa sinabi niya at kumunot noo din saka tumingin sa bintana. Gabi na pala, tinignan ko ang wrist watch ko at 7:27 na.

Maya-maya ay napupuno na ang sasakyan, pero may sumakay na hindi ko inaasahan, well half inaasahan nadin gaya nga ng sabi ni khaye.

Inilibot nung pulis yung tingin niya sa bawat pasahero na parang ini-scan kong isa kaming mga wanted dun.

WAHHHHHH this cant be!! Dapat hindi siya tumingin sakin!! Wala medyo gaanong pagbabago ang mukha ko huhuhuhu...

Lumalapit na yung tingin nya saamin ng katabi ko ng biglang nagtama ang tingin namin at........ O________O

O_____________________O!!!

Mas lalong nakagugulat ang sumunod na nangyari. WAHHHHUHUHUHU ohh upuan bumuka ka ng bonggang-bongga at kainin mo ako :,( huhuhu...

Chanyeol!!! Help me T____T

"Tara na pare wala sila dito" sabi nung pulis at bumaba na sila sa bus.

Lumayo nadin yung walanghiyang magnanakaw ng halik. Wahhhh!!! Mga 2mins. Din yun!!! Bilang na bilang ko!!!!

Nilpastangan at walang kahihiyan na pinagnasaan ang birhen kong labi :,(((( nang walang pusong si AUSTIN WILLS!! Katarungan at hustisya ang kailangan ko!!!!

"Walang hiya ka!!!" sabi ko sakanya at saka siya pinagtatadyakan at suntok.

Napatingin ang mga tao samin pero wala akong paki.

"Aray! Ano nanaman! Pasalamat ka panga tinulungan kita jan ehhh" sabi niya ng pagalit.

"Pasalamat?! Pasalamat na ninakawan mo ko ng halik?!" sabi ko sakanya ng may sarkastiko.

MEMOIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon