chapter 16

0 0 0
                                    

Nagising ako sa maingay na speaker sa katabi kong kwarto(kwarto ni angel) na puro hindi maintindihang lyrics naman ang pinapatugtog. Nyetang 'wolves naega, wolves' yan!!

Makapaghilamos nanga't kakain na. Naginat-inat muna ako bago tumayo at naghilamos saka nagpunta sa kusina.

Medyo wala pa ako sa wisyo kaya lutang pa ako. Alam na! Ansaya ko lang kasing natulog kagabi hihihih, and with that memory napangiti nalang ako habang nagtitimpla ng kape.

"Ohh? Anong meron ngayon sa ngiting yan?" mapagbirong puna ni aldrine.

Ewan ko sa taong to kung bakit pag may mapupuna saka lang magsasalita pero pag maganda yung mapupuna, DEADMA! Sakalin kita jan ehhh..

"Hmpt! Whatever" sabi ko nalang sakanya saka nagfliphair at humigop sa kape ko.

Sa labas na ngalang makapagkape, you know na gusto ko mapag-isa para namnamin ang mga ala-ala ng kagabi hahahha, paker ang korni ko.

Hayyy.. Ano nga kaya magandang isuot?

[Flashback]

Huminto kami sa dalampasigan saka naupo sa buhangin. Matapos kasi naming lumabas, hinila ko muna siyang maglakad-lakad.

"You know what?"

"I dont know :D" pambibiro ko sakanya, at mahinhin siyang tumawa.

"Haha, your really beautiful" sabi niya ng nakatingin lang sa mga mata ko.

Hindi ko alam sasabihin ko, 'yeah i know!' ba? O dikaya 'your handsome too'? Or ano? Ewan, natameme ako sa mga tingin niya. Feeling ko may mga sumasayaw sa tiyan ko tapos may ewan na maingay sa dibdib ko.

Shettt.. Hala, lumalapit yung mukha niya! Alam ko na sususnod neto, magkikiss kami diba? Gaya nung mga nasa koreanovelas na lalapit yung mukha nila tapos magkakaron na ng kiss. Oh noess!! First kiss ko po siya?

Bigla niyang idinikit yung noo niya sa noo ko pero yung titig niya saakin at maging ako ay hindi padin nawawala, ayan na kinakabahan na ako ng tuluyan goshhh..

"Gabi na, uwi kana :)" sabi niya saka pinisil ang ilong ko tapos tumayo at iniabot ang kamay niya para tulungan akong tumayo.

Ohh my goshh!! Nagkiss ba kami?! Paki sabi naman o kung oo! Bat hindi ko naramdaman?! Ohh my gosh sayang haisst..

Inabot ko nalang yung kamay niya at tumayo, hanggang ngayon tingin at ngiti padin ang sinusukli ko sa mga sinasabi niya.

Naglalakad n kami pauwi samin nang magsalita ulit siya saka tumingin nanaman sa mga mata ko.

"I want to know you more and deeper" sabi niya, hinayaan ko lang siyang magpatuloy at hindi umimik.

"If you allow me, then lets have a date tommorrow :) deal?" sabu niya at ako naman biglang napahinto sa paglalakad at gulat na napatingin sakanya. Is he serious? Agad-agad namang manliligaw ito!! Ayy-- tss ang piling ko talaga!! Date lang yung sinabi ligaw agad iniisip ko.

Napailing nalang ako sa sarili ko at tumingin sakanya, ngumiti sabay sabing "sure :)"

[End of flashback]

"HOY!!"

"Ayy palakang may poki!!!" gulat na gulat na gulat na napatalon ako at napahawak sa dibdib ko.

Punyeta naman at sino ngalang ba ang papatay saakin nang dahil lang sa presensya niya aber?! Idi walang iba kundi si ruben lorenzo lang naman..

"Ano ba?!" singhal ko sakanya.

Wala na ba siyang balak magpahinga manlang sa kakabwisit?!

"Ohh :)" sabi niya sabay abot ng isang gallon ng ice cream at isang asong teddy bear na malaki.

MEMOIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon