Chapter (1.3)

49 5 0
                                    

Khaye's POV

  Alam mo yung feeling ng binagsakan ka ng jupiter, pluto, neptune, moon, stars maging sun?! Yung feeling na sinasampal sayo ng tadhana na malas talaga itong babaeng to!!! Argggh!! Nakakainis sana magaya kayo saken!

Yung feeling na andun na ako ehh!! Makakatakas na ako sa bodyguards/driver/bantay ko na pinadala ni ate, tapos may bobitang babae na rinarampa ang kakapalan ng fezlack sa palengke. Tapos ipahiya ako! At hindi ko akalain na siya pa mag-uuwi sakin kay ate, #WhattaLife!

Kung nakakalason lang ang tingin, ewan lang kung sino unang nalason saamin.

Naglalabanan pa kami ng titig ng may siokoy na inginudngud ang mukha sa pader at mukhang putik ang ilong na di pantay ang dumating. Hindi niya ako napansin sa gilid at derechong nagsumbong kay ate.

"Maam,nawala nanaman po si ms khaye, ang kulit talaga na bata napaaway panga--"

"Saken!" walang ganang pagtutuloy nitong lukret na babae sa sumbong ng guard.

Napasulyap ang guard sa kanya sandali at bumaling ulit kay ate.

"Opo siya po----" sabi niya na parang hindi nagsi-sink in ang nakita niya at bumaling ulit ng tingin kay palengkera.

"IKAW!?!" gulat na tanong ng siokoy sa kanya.

Nag-roll eyes lang ang palengkerang babae.

"Ayan na ohh" walang ganang sabi ni ate sakanya atsaka sako tinuro.

Napatingin naman ito sakin at napakamot sa batok.

"Sige na uwi na!" pagtataboy ni ate sa bodyguard na ewan.

"Hoy girls sa loob nga tayo" pagyaya ni ate na alam ko naman kong bakit kasi nga sa 'nakipag-away' ako diba?

++++++++++++

"Ano to hu, khaye?!" tanong ni ate saakin.

Bulag ba tong lukaret na merlat itech?! Kitang putik-putik kaming dalawa di manlang magpashower muna.

"Excuse me, maliligo lang ako" pataray na sabi ni palengkera.

"Ate ako din, uwi na ako" sabi ko na papalabas na sana ng bigla akong hinigit ni ate.

"Ate naman"

"Kelan kaba kasi titino?!" frustated na tanong niya.

"A-yo-kong lu-mi-pat! Yun na yun titino ako" pagmamatigas kong pagpipilit sa gusto ko.

Bumuntong hininga siya ng malalim saka ako hinawakan sa balikat.

"Kapatid, mas maganda sa lilipatan mong school, kasing ganda mo promise" sabay taas niya ng right hand.

"Kamukha ko pala eh, edi pangit" pataray kong sagot.

"Bat kapa kasi nagtyatyaga duon? Wala ng mangbubully sayo! Kaya nga kita binigyan ng guard diba? Tapos tinatakasan mo naman, matalino ka kaya mas maganda future mo pag dun ka mag-aaral"

Pagpapaliwanag nya.

"K" sabi ko saka tumalikod at umuwi.

Nagtaxi nalang ako pauwi tapos pagdating ko naligo na ako.

Ayoko sa mga universities, academies maging private school kasi ayoko na pabully sa mga mayayaman katulad ko. Muntik na akong namatay sa pagtulak nila sakin nung first year ako sa roof top. 4storeys panaman.

Dahil sa takot at trauma ko non, minsan nalang ako umimik at saka gusto ko nalang laging mag-isa.

Ilang buwan din ako nag-absent nun since confine ako at saglit na comatose at labis na trauma.

MEMOIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon