Chapter 4:

7 0 0
                                    



Nasa kusina nila ako ngayon at kasama ko si aling lourdes yung kaninang matanda na pumasok sa kwarto ni sir jacobe. Naka upo ako sa upuan habang pinag mamasdan ko kung pano magluto si aling lourdes. Naghahanap ako ng tiyempo para makapag paalam na na uuwi na ako dahil mag aalasyete ng gabi. Tumayo na ako para makapag pa alam na uuwe na.

"Aling lourdes uuwe na po ako, kayo na pong bahala kay sir jacobe. Mahinahon kong sabi."

"kumain ka muna iha bago ka umalis, sakto tapos na itong niluluto ko.

Nang malanghap ko yung amoy ng adobo ay biglang tumunog yung tiyan ko (sabay hawak sa tyan). Hala gutom na nga ako pero iniisp ko na malayo pa ang byahe ko pauwe.


"Naku hindi na po di naman po ako gutom. Pag sisinungaling ko. 'Sige ho aalis na po ako, kayo napo mag bantay kay sir (sabay ngiti)."


Kita ko sa mata ni aling lourdes ang pagkalungkot nung umalis na ako. Siguro dahil gusto niyang ipatikim saakin ang niluto niya?. Kung di lang ako nagmamadali umuwi, baka inubos ko na yung ni lutong adobong manok ni aling lourdes.
Naglalakad na ako palabas ng bahay nila sir jacobe. Pero Bago ako tuluyang umalis tumingin muna ako sa bintana ni sir. Ewan koba pero Doon agad ako tumingin. Alam ko naman sa sarili ko na nag cacare lang ako.Pero para parin akong tanga na nakatingin sa bintana na para bang nag hihintay na may sumilip na jacobe.


Ano nangyayari sakin? Bat ko inaasahang may sir jacobe na sisilip?


Argghhh. Sabay hawak sa ulo. Tinatahak kona ang daan palabas ng carenville. Pero Para talaga akong tangang sumusulyap sa bahay ni sir jacobe kahit na malayo na ito. Nilabas ko nalang ang aking cellphone at pinalsak ang earphone nang biglang mag play ang music sa kantang
"I'll be there by julieAnn San Jose"


"First time I laid my eyes on someone like you
I can't forget the hour, that moment with you
Then I have realized, love is growing deep inside
I feel the beating of my heart"



Ewan ko ba pero biglang pumasok sa isip ko dito sa kantang to si sir jacobe. Diko alam kung pag cacare lang ba tong nararamdaman ko or love na. Masyado namang mabilis kung ganon.Patuloy lang ako naglalakad hanggang sa makarating na ako sa sakayan ng bus. Hindi masyadong puno yung bus kaya sumakay na agad ako.

Sa sobrang pagod ko humiga na agad ako sa kama ko. Biglang ring nawala yung gutom na nararamdaman ko. Hindi na ako nag cellphone pa at natulog na agad ako.


........

*Saturday*

Nagising ako dahil sa sinag na tumatama saaking mata, masyado akong nasisilaw kaya binaba ko yung kurtina. Kinuha ko yung cp ko para tingnan ang oras '7:30 na'. Tumayo ako at nagdaretsyo agad sa salamin. Mahigit limang oras Ko nang tinititigan ang pag mumukha ko sa salamin.Bigla kong naalala si sir jacobe.'kamusta na kaya siya? Okay naba siya?. Tanong ko sa sarili. Saka ko pinagpapapalo ang ulo ko nang mapagtanto kong inaalala ko nanaman si sir.


Palabas na ako ng aking kwarto ng biglang mag ring ang aking phone.

Calling 'Kristel'
"Oh? Irita kong Pagsasagot sa tawag."

"ang aga aga Badtrip ka agad sis (sabay tawa) btw kamusta naman araw mo with sir jacobe? -pang aasar nito.

Tss. Sabi na nga ba mang aasar lang tong babaeng to.

"Ayos lang naman. Walang masyadong ginawa. Alam mo kristel aga aga sinisira mo umaga ko!. Irita kong sabi."

Naririnig kong tumatawa sa kabilang linya si kristel. 'Ahhh sige asarin moko konyat ka sakin pag nakita kita. Pag bibiro ko. Inend naman agad ni kristel yung tawag at bumaba na rin ako. gutom na gutom na ako grabe.

Taste of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon