Epilogue

7 0 0
                                    


Thankyou for reading This story. Sana nag enjoy kayong basahin to. Bagohan lang ako kaya sorry if may mga scenario na medjo naguguluhan kayo.

Hindi ito ganong nakakaiyak katulad ng iba pero salamat sa mga magbabasa at makaka appreciate ng aking sulat.

And thankyou starterxx09 . For writing bs to my story and for giving some ideas to me. kasama ka sa pag buo nito kaya nagpapasalamat den ako sayo. ipagpatuloy mo lang den pag gawa mo ng mga stories. ^_^..


TASTE OF PAIN
WRITTEN BY EZRELYN


My life after Jacobe passed away is not easy. Isa mo pa yung pagluluksa ko sa lola at sa dalawang kapatid ko. Halos mabaliw ako kakaisip mung nawala sila. Pero paunti unti ko nang natatanggap na wala na sila, na kailangan kong mabuhay sa katotohanang hindi kona talaga sila makakasama pa. mahirap tanggapin pero kailangan kong lakasan ang loob ko lalo na't may anak na ako. Kung hindi lang siguro dahil kay hailey ay matagal na akong wala, pero mas nangibabaw yung plano ko sa buhay para sarili ko at para sa anak ko.

Marami na akong napagdaan sa buhay ngayon paba ako susuko? Kung kailan may anak na? Kung kailan okay na ako? Kung kailan tanggap kona ang lahat? Ilan lang iyan sa mga naisip ko. But I always end up na maging postive na lang sa lahat ng bagay. Kung pano ako alagaan ni jacobe nung panahong sukong suko ako sa buhay ko ay inapply ko iyon kay hailey, halos palagi akong naka bantay sa bawat galaw niya dahil siya na lang ang meron akong alam kong matagal kong makakasama. Palagi ko ring binabangit kay hailey ang katagang "magtiwala kalang sakin, hindi kita bibiguin" dahil iyan ang tumatak sakin nung nawala si jacobe.

Simula nung pumapasok na si hailey ay palagi na akong busy kaka asikaso sa kanya. Dahil ako na lang ang nadito sa bahay, Si keith at Kristel ay pinaalis kona dito dahil gusto ko namang hanapin nila yung sarili nila. Alam kong may mga trabaho na sila kaya mas mabuting yon ang ginawa ko.

Dumadalaw naman sila dito kapag day off nila at ganon din sila tito at tita. Palagi kaming nasa isang park nag bobonding kapag walang pasok. Masaya naming pinagsasaluhan ang mga dinadala nilang pagkain. Tamang tawanan at kwentuhan lang kami doon hanggang sa pag uwe.

At palagi rin akong dumadalaw sa puntod nilang apat kasama ang anak ko. Kinukwento ko ang kahat nang nangyari sakin hanggang sa maubos ang kandila at ganon din naman si hailey. Pagkatapos ay masaya kaming uuwe sa bahay.

Tuwing nadadaanan ko yung mga lugar na nag papaalala sakin kay jacobe hindi ko mapigilang hindi maiyak. Lahat ng bagay pwedeng mawala sayo pero yung alala nakaguhit yan at nakatatak sa puso't isip mo. Hindi mo pwedeng lokohin ang sarili mo at sabihing "ay wala na, Move on na ako dyan Wala na akong sakit na kahit ano pang nararamdaman". Dahil kahit anong tanggi mo ay maaalala't maalala mo lahat nang mapait o kasiyahan na nadama mo.

Binalikan ko ang company na pinag Workan ko dati. Dinalaw ko bawat sulok nito at inalala kung pano kami nag simula ni jacobe. Lahat ng kaharutan, kawalanghiyaang nangyari dito ay naaalala ko. Nangisi na lang ako at saka pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisnge.

Umupo ako sa kulay pink niyang chair at inalala ulit ang mga scenariong nangyari sa loob ng silid. Napangiti naman ako nung nakita ko ang sarili ko sa harapan na nakayuko dahil sa iaabot ko ang papers kay jacobe. Tumayo ulit ako at saka nagpakawala nang hininga.

Nilisan kona ang silid at pagkatapos ay nagtungo ako sa Coffee shop na kung saan ay palagi akong nakatambay. Tiningnan ko lang ang bawat sulok nito at pagkatapos ay tuluyan na akong lumisan. At umuwe sa bahay.

"Mommy ang tagal mo pong umuwe I'm hungry na po" takbo sakin ni hailey na kakapasok ko palang ng gate.

Inaya ko naman siya sa loob at saka pinag handaan nang makakain.

Taste of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon