Pang-Apat: Pagsama

5 1 0
                                    

Aking sinta,

Akala ko iba ka sa kanila

Akala ko ikaw na talaga

Ikaw na talaga ang magmamahal sa akin ng tunay

Pero nagpadala lang pala ako sa kagaguhan mong taglay

Nagsimula ang lahat sayo

Minahal kita ng todo

Hinayaan ko na buuin mo ang nadurog kong puso

Pero darating rin pala ang punto na sasaktan mo rin ako

Araw-araw

Gabi-gabi

Tumutungga ng napakaraming beer

Tinatanaw ang napakagandang langit

Nagbabakasakaling mawala ang sakit

Na dulot ng panloloko mong ka'y lupit

Mundo ko'y muling gumuho ng sabihin mong wala ng tayo

Puso ko'y muling nawasak na tila ba mayroong isang libong sumasaksak

Ganon na ba talaga kadali sa iyo ang iwan ako?

Ganon na ba kadali ang palitan ang isang ako?

Hindi mo manlang ba naisip ang mga effort na inilaan ko sayo?

Mga pagpapahirap na pinaranas mo

Mga sakit na inilaan mo

Pero,

Salamat sa lahat

Salamat dahil sa kabila ng sakit na pinaranas mo

Mayroong aral ang tumatak sa utak ko

At iyon ang
          "Huwag mong ibuhos ang lahat ng pagmamahal mo sa iba bagkus magtira ka sa pansarili mo dahil iyon ang mahalaga"

Kahit na hindi ko na maitatama pa iyan

Alam ko na ang makakabasa nito ay magagawa pa

Ngunit hindi ako papayag na ako lang ang magdusa



At ngayon habang ako'y nakatayo sa aking kinaroroonan


Tinatanaw ang nakalambitin kong katawan

May isang bagay na sumagi sa akin isipan



At iyon ang isama ang nagbabasa nito

sa aking libingan.

A/N

sorry ang laaaaame pero i'll try my best naman po hehe thank u for reaaaading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Utak Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon