Una: Lalaking Kaibigan

67 3 4
                                    

Lalaking kaibigan.

Alam ko na hindi lang ako ang may kaibigan na lalaki,
Yung tipong masasabi mong may kuya ka narin.

Sila kasi yung tipo ng tao na kailangan mong pahalagahan,
Pahalagahan sapagkat alam mong siya ang iyong matatakbuhan.
Sa oras na iwan ka ng iyong ka-ibigan
at ika'y masaktan na naman ng tuluyan.

Lalaking kaibigan.

Siya yung taong poprotekta sayo.
Siya yung taong naging sandalan mo.
At siya rin yung taong pinagkatiwalaan mo ng totoo.

Pero tama nga ba na dumating sa puntong minahal mo na ang kaibigan mo?

Minahal ng higit pa sa pagkakaibigan.

Minahal mo siya dahil pinapakitaan ka niya ng halaga.

Halaga, na para sa iyo'y pagmamahal na.

At ikaw itong nahulog na ng tuluyan kahit alam mong malabo kayong magkatuluyan.

Dahil ang tinggin niya lang sa iyo ay isang kaibigan.

Pero mapapatanong ka nalang sa sarili mo ng----
Tama nga ba na mahalin ko siya?
Kahit ang tingin niya sa aki'y kaibigan lang talaga.
Tama nga ba na umamin ako ng aking nararamdaman?
Kahit alam kong pwede iyong makasira ng relasyon naming dalawa.

Ang hirap!

Ang hirap ng ganiyang sitwasyon.
Naglalaan ka ng oras sa kaniya?
Pero may taong nakalaan na sa oras niya.

Nagseselos ka sa babaeng kasama niya.
Kahit alam mong wala ka namang karapatan.

Wala kang karapatan kasi kaibigan ka lang naman.

Pilitin mo mang makasama siya araw-araw,
Pero hindi ka niya mapagbibigyan dahil meron na siyang taong pinagkaka-abalahan.

At iyon ang naging dahilan kung bakit nawawalan na ng saysay ang inyong pagkakaibigan.

Hanggang dito nalang talaga siguro, aking kaibigan.
Tatanggapin ko nalang na mas mahalaga siya.
Kaysa sa pagkakaibigan nating dalawa.
Tatanggapin na iba siya at iba ako.

Dahil siya ang mahal mo.
At kaibigan lang ako.

A/N

Ikaw rin ba ay nakakaranas nito?
Kumusta naman ang karanasan mo?

-----------------------

Nagawa ko po ang tulang ito habang bakante ang isa sa aking mga asignatura dahil narin sa hindi pagsipot ng aming guro, at dahil iyon rin ang nararamdaman ko sa mga araw na'yon.

Para po sa'kin, mas madaling gumawa ng isang tula patungkol sa kung ano mismo ang nararamdaman mo sa araw na iyon. : ))

Utak Ng Isang Dalagang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon