Una

16 0 0
                                    


Araw-araw kung si mama ay magbabad sa loob ng isang pribadong computer shop. Sabi niya doon daw siya nagtratrabaho. Sa isip ng isang walang muwang na tulad ko, "ano nga ba ang trabaho ng mama ko?". Kagaya ng ibang bata, naranasan ko rin ang maligo sa ulan, magtakbuhan sa bakanteng lote na parang walang bukas, at madalas madapa dahil sa kakulitan. Pero isang laro ang ni minsan hindi ko pinangarap. Ang larong paghuhubad sa isang salamin na may repleksyon ng mga taong uhaw. Uhaw sa laman at uhaw sa kamunduhan. Sa bawat pagpapakita ng parte may kapalit na salapi. Taon narin ang lumipaslumipas, unti-unting nagiging klaro ang aking kaalaman, ang paghuhubad ko pala ay ang bumubuhay sa aming pamilya. Hindi ako kagandahan pero hinahanap ng mga parokyano. Hindi ko maiwasang umiyak sa gabi, bakit ako napunta sa sitwasyong ito gayong hindi ko naman ito ginusto. Pero sabi ni mama, "wala kang magagawa, kailangan mo ng malaman kung papaano gawin ang trabaho ng sagayun ay matustusan mo ang iyong pag-aaral". Gusto kong makapagtapos ng mag-aral kaya nahihirapan ako. Isang araw habang nagtratrabaho ako biglang may kumatok na nanggagaling sa labas ng maitim na silid na kinalalagyan namin. Hindi paman nakakalapit si mama sa pintuan ay bumukas na ito. Iniluwa nito ang mga lalaking balot ng kanilang mga uniporme. Itinutok nila ang kanilang dala kay mama at sumigaw "sumuko kana!". Dali dali akong tumayo at kinuha ang mga damit at nilapitan ako ng mga babae at inayusan tsaka dinala sa kanilang opisina. Hindi ko pinangarap ang trabaho ni mama at hindi ko nais na mahuli siya, pero salamat narin at sawakas ay malaya na ako. Natanggap pala nila ang tawag ko kagabi.

SalaminWhere stories live. Discover now