Ang Cybersex ay isang uri ng pakikipag talik sa pamamagitan ng mga social media apps o websites, maaring magpasahan ng letrato o mga bedyo ng mga maseselang bahagi ng katawan ang dalawang taong nag-uusap sa pamamgitan ng internet. Sa panahon ngayon, kadalasang nangyayari ito sa mga mag jowang malayo sa isat-isa. Nasasangkot din ang iilang mga pilipinang naghahanap ng mga parokyanong maooto upang magkapera. Subalit, isang masamang epekto nito sa kabataan ay ang pagiging normal nito sa kanilang isipan. Maaring madala nito sa kanilang paglaki at maaring gawin din nila. Sa kabilang banda, ang cybersex ay sangkot sa mga krimen gaya ng mga batang pinaghuhubad sa harapan ng camera para sa mga dayong uhaw sa katawan. Minsan, ang mga batang nagiging biktima nito ay nawawalan ng tiwala sa mga tao, nagdudulot din ito ng depresyon, tampunan ng tukso, o maging pagiging uhaw sa pakikipagtalik. Sa Pilipinas, ang dating pangulo na si Benigno Aquino III ay pinirmahan ang epublic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012, isang batas na nagbabawal sa cybersex. Ang cybersex din ay halatang isa sa pitong nakakmatay na sala ang "Lust" o ang sala ng pagkamalibog.
YOU ARE READING
Salamin
RandomIsang istorya ng musmos na ginamit ng ina sa cybersex upang magka pera.