Hindi pa huli ang lahat pero parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Wala ni isang pumalakpak sa akin nang makapagtapos ako ng kolehiyo. Ang bawat titig nila ay puno ng pagdududa, bakit ang isang babaeng tulad ko ay may mga nakuha pang parangal. Hindi ko sila inintindi dahil sa pag uwi ko sa bahay ampunan, sasalubong sa akin ang mga taong hindi kailan man ako iniwan sa mga panahong ang dilim ng mundo ko. Laking pasasalamat ko kay sister Dinee dahil hindi niya ako pinabayaan. Sa mga panahong hindi ko makita ang pag-asa, sa mga panahong hindi na ako naniniwala sa may kapal, nakahanap ako ng taong nagbigay sa akin ng pag-asa. Maganda ang buhay, marami man ang pinag daanan, naniwala ako na may hangganan ang lahat. Sa huli, may mga taong nagsisilbing bituin at buwan sa madilim na gabi. Ngayon, nakatayo uli ako sa isang salamin pero hindi na ang salamin ng may repleksyon ng mga taong uhaw kundi salaming minsan ng nabasag subalit binuong muli ng nga milagro at tanaw sa salamin ang isang repleksyon ng babaeng minsan man ay nasaktan at naging biktima ng karahasan ngayon ay bumangon at magpapatuloy parin sa buhay.
YOU ARE READING
Salamin
RandomIsang istorya ng musmos na ginamit ng ina sa cybersex upang magka pera.