Pangalawa

15 0 0
                                    


Nawalan na nga ako ng trabaho nawalan pa ako ng pamilya. Nakatayo ako ngayon sa aking kwarto, nakatitig sa aking salamin. May magkakagusto pa kaya sa akin gayong ang dumi dumi ko na? Isang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Maliban pa riyan, inaalala ko ang aking pamilya, ano na kayang nangyari kay mama. Ang mga nakakabata kong kapatid? Okay lang kaya sila?. Si papa? Inisip niya man lang ba kami? Mga tanong na paulit-ulit kung bumabalik sa akin. Masaya naman ako na mag-aaral ako ng hindi nagta-trabaho sa madilim na silid na kinagisnan ko pero hindi ko maiwasang mapaisip sa mga naiwan kong kapamilya. At sa bawat hakbang na ginagawa ko papasok sa iskwelahan dama ko ang mahinang usapan ng mga mag-aaral ko, mga tingin na para bang kutsilyo na paulit-ulit akong sinasaksak, at mga tawanan na kahit ako nalang mag-isa ay dinig ko parin. Minsan, iniisip ko nalang kung bakit pa ako nakatakas sa maitim kong nakaraan gayong mas iitim papala ang aking kinabukasan. Mas mabuti pa atang magpakamatay nalang ako. Pero di ko ginawa, patuloy parin ako sa malungkot kong buhay. May mga kaibigan naman ako kaso tsaka lang pag exam time at project moments. Aanhin ko ang pangunguna ko sa klase kung napapalibutan lang pala ako ng mga taong hipokreto. Hindi na ako naghuhubad sa harap ng salaming may repleksyon ng mga taong uhaw subalit parang nakahubad parin ako sa mata ng mga taong mapanghusga. Sa bawat luha ng aking mga mata, kalakip ang pagkamuhi sa aking inang ginawa akong anghel. Anghel ng salaming puno ng mga taong uhaw.

SalaminWhere stories live. Discover now