Worst Section
"Good morning, Iris!" Ang aga-aga binubulabog na ako ni Marco at Subaru.
"Morning.." halos hindi ko pa nga masambit iyon dahil sa sobrang antok ko pa. Halos bumagsak na iyong talukap ng mga mata ko sa sobrang puyat ko.
Kagabi, we drove ourselves home. Siya ang nagdrive pabalik sa village. Nauna naming nadaanan ang bahay nila kaya bumaba na siya at ako nalang ang nagdrive pauwi.
We spent hours talking last night. Mag uumaga na ng ihatid niya ako. Its 3 AM when we decided to go home, may pasok pa kasi kami kinabukasan. So basically, sobrang ikli lang ng tulog ko!
Yes, I know that I can absent whenever I wanted, pero ayoko sa mansyon na iyon! It screams so much lonliness and it's very deafening!
Hindi ko alam kung papasok ba siya ngayon. Maiintindihan ko naman kung hindi. Sa puyat ba naman ng inabot namin kagabi siguradong tulog pa iyon!
Boring pa naman ang subject namin ngayon. Dagdag pa yung teacher naming mahilig mamahiya ng estudyante. Mabuti nalang at hindi pa ako nasasample-an pero halos lahat sa amin nakatikim na.
Napailing nalang ako at nagsimulang ibaba ang aking ulo sa mesa at pumikit saglit.
"Kaden, gising!" napamulat ako dahil sa pagyugyog sa akin ng taong alam ko naman kung sino. Sino pa ba ang ibang makapal ang mukha na tatawag sa second name ko? Pumasok pala siya?
"What?!" I almost screamed in annoyance when get up. Dahil sa kaniya naputol ang tulog ko!
"How dare you to sleep in my class, Marquez!" isang babaeng nakasalamin na dinuduro ako mula sa harapan. Napaarko ang kilay ko dahil sa mg sinabi niya na dinugtong ang kilay ko. Doon ko na realize na nakatulog pala ako sa subject ng napakaterror namin na guro. si Mrs. Arswela, our physics teacher. What a bitch! Mukhang ako ang napiling masample-an ngayon.
Wrong choice, ma'am.
"How dare you to shout at me.." I was bored when I said that. I even yawned and that made her fuming mad. Umuusok na yung ilong niya habang nakatitig sa akin.
Dukutin ko yang mata niyo ma'am eh!
"Isang minuto para kay Mrs. Arswela!" tawang tawa na tugon ni Subaru. Tangina, matatawa na sana ako kaso naalala ko na kailangan kong matusta tong guro na 'to!
Akala mo ma'am ha!
"Shut up! Isa pa kayo! Hindi ka yata tinuruan ng magandang asal sa inyo? Lalo ka na Marquez.. Baka gusto mong ako pa ang dumisiplina sa iyo.." marahan niyang sabi pero alam kong nagpipigil lang siya ng sobra. I smiled with those phrases.
Oh come on! Let it out! Let those anger out! I wanna stress the hell out of you!
"Why would I let someone like you to teach me? You don't even respect us as a student" I jokingly replied back. Aakalain mong kasingedad ko lang ang sinasagotsagot ko.
Totoo naman ang sinabi ko. Marami ng gusto magreklamo dahil sa ugali niya. Sa dami ba naman ng estudyanteng pinahiya niya sa paaralang ito. Wala lang naglalakas loob dahil namemersonal siya. She will take you down academically.
"Oh! Anong masasagot niyo ron, ma'am?" gatong ng isang babae kong kaklase. Maging mga babae nakisali na rin.
"How dare you! Magkita nalang tayo sa bigayan ng marka, Marquez!" Wow! That's what i'm talking about! Keep it up!
Rinig ko ang pagsinghap ng iba. Ano bang dapat katakutan sa mga katagang iyon?
"And I will see you passing your resignation letter, Mrs. Arswela.." Halos lahat ng estudyante sa paaralan na ito ay ayaw sa kaniya maliban sa mga sipsip na gustong makakuha ng mataas na marka sa subject niya.