“Cae, tumawag pala si mommy mo kanina sa akin, hintayin mo daw siya sa Robinsons. Masyado ka na yatang lutang at di mo daw sinasagot yung tawag niya.” Bungad ni Faye sa akin.
“Ano naman gagawin ko doon?”
“Nakalimot ka na yata sa birthday mo, sa monday na yun. Haler! Mamimili daw kayo ng dress. Magpapaparty ata mama mo sa Saturday, mas maaga para hindi maabala sa class natin. Sige bye na. May pupuntahan pa ako.”
Iniwan akong mag-isa ni Faye. Dahil dala ko naman ang sasakyan ko, dumiretso na ako sa mall. Mahirap na baka walang available na parking space.
Pababa na ako ng sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Ken.
“Bakit?” Tanong ko kaagad.
“Sobrang ganda naman ng pambungad mo miss? Hahaha! Naglunch ka na?”
“Tapos na. Hinihintay ko lang si mommy dito sa mall, may bibilhin lang kami. Dumiretso na ako dito kesa naman magmukmok ako sa school, may urgent meeting yung mga instructors namin kaya half day class lang.”
“Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko. Bawal na ba?”
“Hindi naman sa ganon Ken. Alam mo naman na medyo busy ako sa school diba?”
“Oo na. Ngayon na nga lang tayo nakapag-usap, mag-aaway pa ba tayo?”
“Ikaw nga busy ka sa pagsasayaw mo wala ka namang narinig na reklamo galing sa’kin diba?”
“Sorry na babe. Wala pa tayong isang buwan Cae, mag-aaway na naman tayo.”
“Sorry din. Preoccupied lang talaga ako.” And then I heard him sigh.
Sinagot ko siya noong birthday niya, that was January 12. Naalala ko pa nung nagpunta akong Baguio.
Nasa harap na ako ng pintuan sa unit ni Ken, magdodoor bell na sana ako pero biglang bumukas ang pinto.
Isang magandang babae ang bumungad sa’kin.
“Kaya naman pala ayaw mo akong magtagal dito Justin, may bisita naman pala kayo. Sino ‘to? Bagong babae ni Ken? Sabihin mo diyan sa magaling mong kaibigan na babalik ako, hinding-hindi ko siya titigilan.” Tumingin pa sa’kin mula ulo hanggang paa. “So cheap.” At tuluyan nang lumabas.
“Cae, pasensya ka na. Hindi ko naman alam. Magready ka lang ng mga gagawin mo diyan.”
“Sino ba yun?” Tanong ko.
“Hayaan mo na. Hindi siya importanteng tao para pagtuunan nang pansin. Yung mga pinabili mo, ilalagay ko na lang diyan, ikaw na bahala mag-ayos. Lalabas na muna ako.” Tugon niya.
Nagmadali na ako, inayos ko ang room ni Ken, sabi ni Justin, hindi talaga pinapagalaw ni Ken ang room niya pero hinayaan niya lang ako. Dahil wala naman talaga akong idea sa mga ganito ay pinalobo ko na lang mga dala kong balloons, at may Happy Birthday akong letterings na dala, isinabit ko iyon sa gitna ng nakaayos na korteng pusong mga lobo. Inayos ko rin ang chocolate mousse cake sa gitna ng kama, may mga pinabili rin ako kay Justin noong isang araw na sapatos, cap, denim jacket and plain colored tops, itinabi ko sa cake. Dahil hindi naman ako sure sa sizes ni Ken, gusto ko lang makasigurado, pero ako parin ang pumili ng mga iyon, nakakahiya kay Justin dahil sobrang tagal niya sa mall noon dahil hirap akong magreply sa messenger nataon kase na may pasok ako kaya sinobrahan ko na ang trinansfer kong pera sa bank account niya.
Wala pang kalahating oras ay narinig kong biglang bumukas ang pinto sa labas. Kaya minadali kong ayusin ang sarili ko.
Hindi ko rin pala nasara yung pintuan dito sa room ni Ken kaya bigla siyang pumasok.
BINABASA MO ANG
A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)
Fanfiction"Sorry. Sorry kung akala mo hindi ako naging totoo sa'yo. Oo dahil lang sa dare na yun nakilala kita, pero sobrang nagpapasalamat ako na ikaw ang nandoon. Sobrang worth it yung pagkalate ko dahil dumating ka naman sa buhay ko. Hindi kita kayang loko...