WAY 11

547 24 5
                                    


Habang papunta kami ni Faye sa isang event hall ay kinakabahan ako. Sinabihan kase siya na kami ang huling pupunta.



“Sarado naman yata?” Tanong ko dahil wala man lang ni isang sasakyan ang nakapark sa labas.



“Baka naman mali ang napuntahan natin.” Sabi naman ni Faye.



“Dito yung mismong address. Nagwaze pa nga tayo diba?”


“Edi pasukin mo.” Hamon sa akin ni Faye.


“Huwag na. Tawagan mo na nga lang si Dan.” Sabi ko sa kanya.


“Walang signal e.” Reklamo niya.



Pumasok ulit kami sa loob ng sasakyan habang naghihintay. Hanggang sa may sasakyan kaming nakita dumiretso sa kabilang side ng building. Sinundan namin ito.


Kaya naman pala walang nakaparking doon ay dito pala lahat sila nagpark. Napansin ko ang sasakyan ni mama, tumabi doon iyong sinundan namin na sasakyan.



Pero gulat na gulat kami nang lumabas si Ken sa event hall at pinuntahan iyong kadarating lang. Bumaba ang isang babae galing doon sa sasakyan at niyakap niya si Ken. Ngumiti lang siya at iginaya sa loob ng event hall ang babae, pinagbuksan pa niya ng pintuan.



“Sino yun?” Tanong ni Faye.


“Sa tingin mo kilala ko?” Tanong ko pabalik sa kanya.


“Alis na tayo Shann. Hindi maganda ang kutob ko rito.”



Hindi ko pinansin si Faye, dumiretso ako sa event hall. So parang  lobby area lang ang bungad pero matatanaw ang ibang tao sa event.


Dahan-dahan lang akong naglakad nang may marinig akong nag-uusap.



“Please! Please! I’m begging you.” Tinig ng isang umiiyak na babae.


“Don’t do this to me. Kailangan kita.” Pagmamakaawa ng babae.



“Bakit ngayon pa?” Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Ken iyon.



Hinanap ko kung saan nanggagaling ang mga boses na iyon hanggang sa makarating ako sa isang garden. Mismong labas lang to ng hall.


“Ken, alam mo kung gaano kita kamahal. Parang-awa mo na.” Iyong babae kanina na sinundo niya sa labas.


“Oo, alam ko. Pero huwag mo naman akong pahirapan ng ganito.” Sagot ni Ken.



“Please! Huwag kang ganyan. Alam kong mahal mo pa ako.”


Muntik ko nang mabangga ang isang paso nang lumuhod iyong babae.


Pinipilit siyang itinatayo ni Ken.


“Sabihin mo munang mahal mo pa rin ako at wala kang nararamdaman sa babaeng yun. Ako naman talaga diba? Ako lang!” Humagulgol pa siya lalo.



“Tumayo ka na.” Awang-awa si Ken na pati siya ay lumuhod sa harap niya.


“Magpapakamatay ako Ken. Magpapakamatay ako.” Sigaw nang babae.


“No, please! I love you!” Sambit ni Ken at niyakap niya nang mahigpit ang babae.


Dahil doon ay napaatras ako sa kinatatayuan ko at napatid ko ang mga pasong nasa likuran ko. Napatingin sa banda ko si Ken.


“Cae!” Maliit na boses lamang ang lumabas sa mga labi niya.



Dahil hindi ko nakayanan ay tumakbo ako palayo. Hanggang sa makalabas ako. Hinanap ko agad ang sasakyan ko at pinaharurot ito.


“Ayoko na. Bakit lagi na lang ganito? Bakit?” Pinaghahahampas ko ang manibela. Iyak ako ng iyak. Sana kinalimutan ko na lang siya. Sana hindi ko na lang siya ulit tinanggap sa buhay ko.




Paglabas ko sa highway ay lalo ko pang binilisan ang takbo ng sasakyan, halos mawalan ako ng kontrol dahil sa kakaiyak ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko. Hanggang sa may marinig akong malakas na busina, pinunasan ko ang luha ko at pagtingin ko sa kalsada, nasilaw ako.


A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon