Chapter 14
May boyfriend ako from another university, actually kagagraduate niya lang noon. That was one summer, it was his party we were attending and yes our families were friends. He was my first boyfriend. Dahil wala akong karanasan sa mga bagay-bagay noon, wala pang isang buwan, I gave him my everything. Yes, we had unprotected sex multiple times dahil natakot ako na kapag hindi ko binigay ang gusto niya ay iiwan niya ako.
My mom had no idea, as well as Faye and Dan. Hindi ko na inalam kung paano nalaman ni Sejun na may relasyon kami ni Mark.
7 months on and off ang relationship namin noon dahil marami akong naririnig na kwento about him seeing his ex pero hindi ako natuto. I was about to surprise him about the baby that night. Because my plan was as long as he accepts it, I am gonna tell mom everything. But it didn't worked. I saw Mark with his ex begging him.
That's why I met an accident at buti na lang hindi malala ang natamo ko at nasundan ako ni Sejun noong gabing yun. Alam niyang ayokong malaman ni mommy ang nangyari sa akin kaya pinakiusapan ko siya na huwag na huwag siyang magsasabi kanino man. I made excuses to my mom hanggang sa gumaling ako. At huli na nang nalaman kong wala na ang bata. I cried a lot. And the only one who was there with me was Sejun.
Nahirapan ako pero dahil sa kagustuhan kong hindi malaman ni mommy ang nangyari, I acted like nothing happened infront of everyone. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayokong magsalita minsan. Dahil natatakot ako na baka kung anu-anong kwento ang lumabas sa bibig ko.
"Shann, stop crying." Sabi ni Sejun.
Kanina pa pala ako umiiyak. Binigyan niya ako ng panyo at niyakap niya ako.
"Paano mo nalaman? Bakit mo alam yung sa amin ni Mark noon?" Tanong ko sa kanya.
"Because I saw you two, a lot of times, na pumapasok sa dorm niya. Kilala ko na siya noon pa bago pa naging kayo. But we're not close. You want to go somewhere?"
"Can we visit the baby?" Nahihiya kong tanong sa kanya.
"Sure."
Siya ang nagmaneho ng sasakyan, we went to the cemetery. Habang papalapit kami ay natigil ako sa paglalakad. I saw Mark with a li'l kid sitting infront of my baby's tomb. Parang hindi ako makagalaw.
"Alis na lang ba tayo?" Tanong ni Sejun. Umiling ako.
Inalalayan ako ni Sejun sa paglalakad dahil hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.
"Mark." Sambit ni Sejun.
Napatingin sa amin si Mark at ang bata.
"Bro." "Hello Tito Sejun." Sabay na tugon nila.
Tinignan ako ni Mark. "Cae. How are you?"
"I'm not really fine. Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Lagi akong pumupunta dito, twice a month." Sagot niya.
Hindi ko pa siya natatanong kung bakit niya alam to nang biglang nagsalita si Sejun.
"I told him everything after you recovered Shann. Please understand that he also need to know this." Halos pabulong na siya kung magsalita.
"Pwede bang iwan niyo muna akong mag-isa?" Pabor ko sa kanila at tumango sila at lumayo mula sa kinatatayuan ko.
"Hello baby! Sorry kung di ka nabibisita ni mommy. I'm r..really so..rry baby." Hindi ko na napigilan ang iyak ko. "Don't w..worry baby, ka..pag okay na...lahat, I will vi..sit you as much as...as possible baby."
I wiped my tears. I just wanna be strong for myself.
"The baby will understand Cae. I'm so sorry about your lost." Si Mark.
"Why? Why did you do that to me?" Tanong ko.
"It was your cousin who planned everything. Dahil naiinggit siya sa'yo and she was a friend of Gia, my ex, alam mo na yan noon pa. She's so sorry about what happened. Kapag wala siya dito sa Pinas, she would always find someone to give the baby flowers. I'm sorry dahil niloko kita noon. Alam kong masakit pero tapos na. Kailangan na nating harapin ang kasalukuyan, huwag ka nang makulong sa nakaraan."
Umiyak lang ako hanggang sa maramdaman kong niyakap ako ni Mark.
"Everything happens for a reason Cae. Everything will be fine." Dagdag niya. Tumango lang ako bilang tugon.
"Cae?" Napalingon ako, si Ken.
"Ken?" Naitulak ko si Mark. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang umatras. "Babe, please!"
Hindi siya sumagot at umalis siya.
BINABASA MO ANG
A DARE TO FIND A WAY | SB19 FANFIC (KEN)
Fanfiction"Sorry. Sorry kung akala mo hindi ako naging totoo sa'yo. Oo dahil lang sa dare na yun nakilala kita, pero sobrang nagpapasalamat ako na ikaw ang nandoon. Sobrang worth it yung pagkalate ko dahil dumating ka naman sa buhay ko. Hindi kita kayang loko...