kasalukuyan kaming nakasakay sa Ferris Wheel at hindi pa rin mapakali si Theydon kahit na hawak ko na ang kamay niya...
napakadami nyang emosyon na kayang ilabas...at nakita ko ang halos lahat ng iyon ngayon araw na ito. merong masaya, malungkot, natatakot at natatawa... ngayon naman kinakabahan naman siya haha... lamig ng kamay eh
"Joyjoy... Mianhe.." out of no where na sabi niya
"ha?" naguguluhang tanong ko
"well, I know your mad because Im still holding your hand" pagpapaumanhin niya
"yes.. I am very mad!" pagbibiro ko dito... bigla naman niyang binitawan ang kamay ko
"jjinja??? please dont get mad at me" pakiusap niya...
natawa ako..
"no.. no.. Im not Im just joking" pag amin ko dito...
"haha! you joked? I thought its for real" sagot niya sabay hawak ulit sa kamay ko
bakit ba apektado masyado itong taong to lalo na kapag nagagalit ako???
"you know what... I'm really bothered everytime you get mad at me"
napalingon ako sakanya...
"ha????" nabasa niya ba ang iniisip ko? "w.. why?" amazed na tanong ko
"I don't know... maybe because I like you" sagot niya sabay titig sa mga mata ko..
parang huminto ang paligid ko, wala na akong ibang nakita kundi siya lang... wala rin akong ibang naririnig kundi ang bilis ng tibok ng puso ko...
anu daw??? he likes me daw?
"Joyjoy! lets go!" tawag pansin niya sakin na ilang hakbang hinihila ang kamay ko " the door is opened already"
"ha?? ahhh oo..." natatarantang sagot ko at bumaba na nga kami sa ferris wheel.
********************************
dinatnan namin sa bahay si Jayron na natutulog na sa sofa ng sala nila... hinatid naman ako ni Theydon sa tapat ng pinto ng kwarto ni ate Zia.
"goodnight Teytey" sabi ko ng nasa pintuan na ko ng kwarto
"goodnight Joyjoy" sagot nito sabay pisil ng pisngi ko "thank you for the wonderful night" dugtong pa nito bago tuluyang bumaba ng sala
bago tuluyang bumaba sa sala. halos di ko na mapihit ang doorknob sa sobrang kaba, ang bilis ng tibok ng puso ko at paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang sinabi niya kanina sa Ferris Wheel
maybe because I like you
maybe because I like you
maybe because I like you
totoo nga kayang gusto mo ko??? kase palagay ko gusto na din kita.... meron din palang papantay sa paghanga ko kay Taehyung.... I can't believe it..
**************************
"so kamusta naman ang date???" bungad sakin ni Hannah pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom namin
"Hannah date ba yun?" wala sa sariling tanong ko dito, hindi na kase ako nakatulog ng maayos dahil sa paulit ulit kong naririnig ang salitang I like you,....
"san muna kayo nagpunta?" usisa nito
"sa park, sa Korean town at sa Sky ranch?"
BINABASA MO ANG
THE IM(POSSIBLE) DREAM
Fanfictionthis is a story of a K-POP fan meets her K-POP idol in the most impossible way... #BTS hangul, english, tagalog language can be found in this story... ENJOY!