mabilis natapos ang concert, hindi ko na namalayan last song na pala nila.. hayst... sana pwedeng i-extend o kaya kahit stop nalang ang time, masaya na ko nun.... T_T
kakabadtrip... naiiyak ako... ni hindi rin ako makakapunta sa meet and greet nila kase hindi naman nabunot ang pangalan ko... T_T sadlife!! pero nakita ko siya ng malapitan... halos atakihin na ko kanina...kaya dapat happy ako pero kase after nito hindi ko na siya makikita ulit hayst sadlife...
"ok ka lang?" tanong ni Jayjay, napansin niya sigurong nagiiba iba na naman ang expression ng mukha ko...
"Oo naman! ako pa ba?" sagot ko sabay punas ng nangingilid kong luha, ..
"talaga ba?"
"oo nga! ninanamnam ko kase ang mga huling sandali ng BTS sa stage kase pagkatapos nito million miles away na naman sila sakin"
"hay Joyjoy, isipin mo nalang kinantahan at sinayawan ka nya ng malapitan kanina diba.. navideo mo pa nga diba?"
"oo nga noh!" kunwaring pagsang-ayon ko sabay ngiti pero ang totoo nalulungkot pa din ako
"thank you ARMY!" sabay na sabi nila Jin, Suga at Jungkook
"Ingat kayohh" sabi naman ni Jimin, nagsigawan ang mga ARMY
"Mahal ko kayo!" sabi ni Taehyung at J-hope,
"mahal din kittttttaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sagot ko sabay taas ng army light stick ko... alam ko naman na marami kaming sumigaw na mahal namin si taehyung pero wala akong pake..
"thank you ARMY! Thank you so much!!!" final words ni Namjoon at tuluyan na silang nawala sa stage.. :(
*******
Unti unti ng nawala ang mga tao sa MOA Arena, nagpahuli nalang kami ni Jayjay dahil sabi niya nga mahihirapan din kaming lumabas ng Mall dahil sa sobrang traffic.
"Joyjoy hindi ka pa ba gutom?"
"hindi pa naman bakit?"
"mahaba pa ang byahe natin mamaya, baka gusto mong kumain muna"
"hmmmm, sige! basta libre mo ko!" masayang sagot ko dito
"ano???"
"sabi ko libre mo ko" ulit ko
"ha???" sagot nya ulit
"ayaw mo yata eh! edi wag!" dabog ko sabay lakad ng mabilis... "pwede namang sabihing ayaw mo diba naku!!!"
"eto naman, hindi na mabiro," patawa tawang sagot nya sabay habol sakin..
"wag na nga!KKB nalang" kunyaring nagtatampong sabi ko dito
"eto naman! sige na ililibre na kita!" deklarasyon nya
huminto ako sa paglakad at humarap agad sakanya "walang bawian!" masayang sabi ko sabay kapit dito, "gusto ko burger king ah.. yung whooper meal!" demand ko
"hayst... kawawa talaga ako sayo" pailing iling pero nakangiting sagot nya sakin at naglakad na kami papunta sa stall ng burger king.
magreklamo man siya ng magreklamo alam kong kahit kaylan hindi talaga ako matiis ng taong to hahaha
**********
Matapos naming kumain ay nagpa take-out pa ako sakanya ng 2 whooper meal at isang 4 cheese whooper meal para sa pagkain ko sa byahe namin.. hehehe yung whooper ay samin ni ate at yung 4 cheese naman ay sakanya.
BINABASA MO ANG
THE IM(POSSIBLE) DREAM
Fanficthis is a story of a K-POP fan meets her K-POP idol in the most impossible way... #BTS hangul, english, tagalog language can be found in this story... ENJOY!