02

5 1 0
                                    

Present

"Damiaaaan!" Sumisigaw na agad si Zoey pagka labas niya sa tren mula sa the good place. Nasa 'The Bad place' na siya ngayon. Siya ngayon ang sumundo kay Damian dahil pupunta na sila sa human world.

It's been 105 years simula nung nag work siya dito kasama si Damian. And she's still the jolly Zoey.

"Oh, Zoey! Good morning!" Bati ng isang lalaki habang pinapalo siya ng itak sa likuran.

"Good morning, Joaquin!" ani Zoey at may kasamang matamis na ngiti. Palaging gabi rito sa 'The bad place' pero nung lumalakad si Zoey ay para siyang nag lalakad na araw, lumiliwanag ang aura niya.

Naka yellow siyang long sleeves lace and floral dress, flats na white, purse na white at pinony tail niya ang buhok niyang brunette na may highlights na white, naka curl din ang dulo nito at ang pantali niya ay may design na sunflower.

Nakita na niya ang office ni Damian. Hindi na siya kumatok at pumasok na agad siya sa opisina nito.

"Morning!" Nakita niya namang tinakpan ni Damian ang mata niya.

"Ugh, too damn bright." Anito.

"Thanks for the compliment." Tawa ni Zoey. "Anyways, get your ass up now. May trabaho pa tayo sa earth."

"Argh..." Irap ni Damian at tumungo uli sa table niya. Puro cup ng coffee ang nasa table niya at puro nakakalat na papeles.

"Hay nako. Napaka burara mo talaga." Pumitik si Zoey at nawala lahat ng cup ng coffee at naka stack na lahat ng papeles sa table niya.

Lumapit naman siya kay Damian at hinawakan ang ulo nito. Binibigyan niya ito ng energy.

"Get up now, sleepy-head."

Tumayo na si Damian ng ayos at kinusot ang mata.

"Thanks, Zo."

"Yeah yeah. Now tara na sa human wooorld!" Aniya at hinila na ang kamay ni Damian.

"Whatever." He said as he rolled his eyes but secretly smiled while looking at the sunlit girl.

Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon