Wazzup!
Ako si Kane Ocampo .. a varsity player , loud , jolly and a friendly one.
First day ko ngayon sa kolehiyo and I'm excited di ba halata .. inagahan ko ang pag gising at pag aayos para maaga ako sa school excited akong makita ulit ang mga teammates ko.
"Good morning Ma .. Pa !" bungad ko kina Mama at Papa pagpasok ko sa sala.
"Good morning din anak .. kaen ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela" anyaya saken ni Mama pagkaupo ko.
"Mukhang excited ka sa pagpasok anak ah?" tanong ni Papa.
"Oo naman Pa .. syempre makikita ko na ulit ang mga teammates ko at makakapaglaro na ulit ako ng basketball hehe dagdag chicks na naman yun hehe"
Bigla akong piningot ni Mama "ikaw talagang bata ka oh .. bawasan mo nga yang pagiging loko mong bata ka!"
"Haha .. hayaan mo na nga yang anak mo at nagbibinata" at sabay kaming tumawa ni Papa.
Pagkatapos kumaen ay nagpaalam na ako kina Mama at Papa .. sumakay na ako sa motor at nagbiyahe papuntang school. Pagkarating sa gate ng school ay huminto muna ako at tinitigan ang pangalan ng school.
Maximilian High University
Here I come again .. and be ready for me college department!
Pagkapark ko ng motor ay namataan ko agad ang teammates ko na nakakumpol malapit lang sa pinagparadahan ko .. kinawayan ko agad sila at nilock ang motor ko para lapitan sila.
"Kamusta guys?" nag fist bump kami isa isa at masayang nag usap habang hindi pa nag announce na simula na ang klase namiss ko ang mga loko .. nang biglang may nahagip ang paningin ko.
"guys .. kilala niyo ba yung dumaan?" tanong ko sa mga kasama ko .. bigla silang nahinto sa pag uusap at sinundan ang tingin ko.
"mukhang transferee yan Kane .. ngayon lang namen siya nakita" sagot ni Jack isa sa teammates ko.
"wala ka talagang kupas sa pagsipat sa maganda pare hehe .. type mo?" tanong ni Brent.
Napangiti na lang ako sa tinuran nito at naalala ang mukha ng babaeng nakaagaw ng pansin ko .. mukha itong anghel pero halata ang pagkailap nito sa tao mukha pa itong bookworm dahil sa mga kapal ng bitbit nitong libro.
Tsk tsk .. sayang naman ang ganda niya kung magiging isa lang siya sa mga nerd dito sa school.
Nanatili pa kami dun hanggang sa marinig namen ang announcement sa speaker na nakakalat sa buong campus ..
"To all students of college department please assemble at our covered court now .. Thank you!"
Sabay sabay kaming naglakad ng team papuntang court at naghanap ng magandang pwesto habang inaantay ang principal ng school.
A/N.
hehe .. sana magustuhan niyo po ang gawa ko first time ko po kaya pasensya po kung may mga mali hehe .. salamat sa pagbabasa ☺️
iamyourHearts
![](https://img.wattpad.com/cover/201092891-288-k44416.jpg)
YOU ARE READING
Unexpectedly In Love
Novela JuvenilShe is a loner. He is friendly. She loves book more. He loves playing sports. She hated noise. He loves louds music. But unexpectedly . . . they bump into each other world and unexpectedly . . . She fell in love with him and He fell madly in love wi...