I. Sa bagong paaralan
Naninibgo ako
Nangangapa sa dilim
Hindi alam ang lulugaran ko
II. May mga bagong nakilala
Ngunit ikinalulungkot ko
Sapagkat tingin ko'y
Hindi sila totoo
III. Magtatanong ako
Sila'y iiwas
Parati nilang kasama
Tunay nilang kaibigan
IV. Mas pipiliin ko pang
Hindi sila nakilala
At ituring sana
Ako'y hindi pansin-kita
V. Sa ganoong paraan
Hindi na ako aasang
Ako'y pansinin
At kanilang maunawa
VI. Mahirap man mag-isa
Ito'y bale wala na
Sapagkat sanay na
Akong mag-isa
VII. Walang makaunawa
Sa aking nadarama
Tingin nila sa akin
Ay parang basura
VIII. Tingin ko sa sarili
Ako'y sampid lang
At hindi makasabay
Sa mundong ginagalawan
IX. MAhirap man akong intindihin
At hirap ding makisama
Pero aking sinusubukang
Ipaintindi sa kanila
Ang aking tunay na nadarama.
YOU ARE READING
Hear Thy Heart...
Poetrythis is a compilation of poems both in English and Filipino. original and edited version of the posted poems...