5:
Revenge and Apologize
Bella
Grabe naman yung gumawa nun sa likod ng Library at pangalan pa nina Ella at Carlo ang nakalagay doon, hindi na sila nahiya.
Si Carlo na kilala as a campus crush dito tapos sisirain pa nila ang pangalan niya. Grabe. Crush ko din naman si Carlo pero mas malakas ang epekto ni Jimuel sa akin. Wahh! Wag ko na ngang isipin yon, mahihimatay na naman ako nito e.
Hindi ko akalain na uwian na pala pagkatapos ng ilang subject, ang bilis talaga ng oras baka hindi ko namalayan na matatapos na ang school year. Hays! Tatanda ako nito ng maaga e.
Nag impake na ako ng mga gamit para umalis, hindi ko naman makakasabay si Ella kasi pinaglilinis pa sila sa may library dahil na nga sa nangyari.
--**--
Heto na naman ang katahimikan, ang kalungkutan na sumasalubong sa akin. Ang lahat ng nakakasalubong ko ay pinagtitinginan ako, ewan ko pero pakiramdam ko may mali talaga sa akin. Dahil ba solo lang ako? O dahil mukhang ewan yung mukha ko? O baka naman parehas?
Lahat sila ay may kasama, may barkada. Samantalang ako, tahimik lang habang nag lakad. Gusto ko sanang puntahan si Ella kaso maggagabi na magagalit na naman sa akin sina mama at papa.
Nilalakad ko na ang daan palabas ng campus. Biglang kumunot nga noo ko nang may humarang na babae sa akin. Kilala ko kung sino ang babaeng ito, myembro ito ng grupo ni Arian.
"What?" Pinagtaasan ko siya ng makapal kong kilay.
"Ilabas mo na!" Seryoso niyang utos sa akin kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"Ang alin? Wala akong kinukuha sa inyo."
"Wag ka ng mag tanga tangahan dyan, ilabas mo na yung kwintas ni Arian." Inilahad niya ang kamay niya na parang iniintay na ibigay ko sa kanya ang hinihingi niya.
"Huh. As if naman na nasa akin yang sinasabi mo."
"Ilabas mo nalang at wag ka ng dumada."
"Ang kulit mo! Sabing wala sa akin, mag linis ka na nga muna ng tenga bago mo ako kausapin." Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng isang pirasong cotton buds tsaka binigay sa kanya pero imbis na tanggapin niya ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko tsaka hinila papunta sa c.r.
"Hey! Wait! Saan mo ako dadalhin? Let me go!" Pag pupumiglas ko pero masyado akong mahina para maka takas sa kanya.
Nang makapasok na kami sa c.r ay doon sumalubong ang iba pang mga ka-grupo ni Arian, masasama ang mga tingin nila sa akin na para bang nadidimunyo.
"Gaano ba ka-importante ang kwintas ng babaeng yon at sakin nyo pa hinahanap?!" Sigaw ko pero nag tawanan lang sila.
"Malaki!" Ang lahat ay nagtahimikan at nahati sila sa dalawang linya upang daanan ni Arian.
"Just give me back my necklace and you may go." Gaya kanina ay pinipilit na naman niyang ilabas ang kwintas niya na wala naman sa akin. Grabe namang nakapambintang ang demonyitang to kailangan live.
"Ang kukulit talaga ng mga lahi nyo, hindi mo ba narinig na wala sa akin ang kwintas mo." Giit ko pero hindi parin siya naniniwala.
"Girls, alam nyo na ang gagawin." Utos niya sabay taas ng kilay sa akin.
Kung pwede ko lang siyang bugbugin at bigyan ng madidiin kong middle finger siguro nagawa ko kaso nandyan ang grupo niya kaya matapang siya.
Naglapitan na sa akin ang ibang myembro ng grupo ni Arian at binigyan ako ng malalakas na sampal.
YOU ARE READING
Ella and Bella [OnGoing]
Teen FictionSigurado ka bang totoo sayo ang mga kaibigan mo?