6: I give love but I receive pain

17 2 1
                                    

6:
I give love but I recieve pain

Jimuel

Naglalakad ako sa hallway ng bigla kong makasalubong si Arian na gulong gulo ang buhok at mukhang kagagaling sa pag iyak.

"What happened?" I asked her.

Huminto siya sa paglalakad pero tumingin lang sa akin.

Ang awkward tignan pag nag uusap ang mag 'ex' pero di ko matatanggal ang pag aalala ko sa kanya.

"Nothing! Im ok!" Aniya at nagsimulang magpatuloy sa paglalakad.

Hanggang tanaw nalang ako hanggang makalayo siya sa akin.

Napaka taray parin ng babaeng iyon, hindi na siya nagbago. Bully parin ng taon.

Naalala ko pa 3 years bago kami mag break, hindi ko malilimutan ang mga sinabi niya sa akin.

"Remeber my words, Jimuel. Kung gagawin mo sa akin ito tandaan mo na walang magtatagal na babae sayo!  Im the only girl you must love!"

Ang sakit sa ulo ng mga salitang iyon, lagi nalang iyon nag eecho sa utak ko pag palagi ko siyang nakikita.

Wala na naman  akong feelings para sa kanya at matagal na akong naka-move on ang tanging nararamdaman ko nalang sa kanya ay awa. Naawa ako sa kanya dahil palagi kong nababalitaan ay umiiyak daw siya minsan at hinahanap ako ibig-sabihin lang nito ay di pa siya nakaka move on sa akin kaya pala sa loob ng ilang taon lahat ng lalaking nanliligaw sa kanya ay binabusted lang niya.

"Hey Jimuel!" Bigla akong natigil sa pagkatulala ng may tumawag sa akin.

Nagpalinga linga ako at nakita ko si Georgie na kumakaway kaway pa sa akin na parang bata.

"Oy isip bata!" Sigaw ko.

"Stop calling me that,fucking freek!" Ganti niyang pasigaw sa akin.

Para kaming mga tanga na nagsiaigawan kahit na magkalapit kami.

"Wag ka ng sumigaw! Bobo ka ba?" Sigaw ko sa kanya.

"Wag ka kasing magsimula ng gulo." Ngumisi lang ako ng sabihin niya iyon. At heto na naman kami. Nag aaway na parang bata. Sarap sa ears pag naririnig mo siyang nagagalit nang dahil sakin.

Nagsimula na siyang lumapit sa akin pero kada hakbang niya papalapit sa akin ay ako namang hakbang palayo sa kanya.

"Ikaw.... nakakailan ka na talaga! Lumapit ka nga dito. Para kang bata!" Galit niyang utos sakin na para bang mommy ko.

"Bakit ba parang stress na stress ka sa sasabihin mo sakin?" Tinatamad kong tanong dito.

Nakita kong may kinuha siyang papel galing sa bag niya tsaka niya sinubsob sa mukha ko.

"Aray! Ano ba to?" Kinuha ko ang papel sa mukha ko tsaka ko napagtanto na monthly test pala namin ito.

"Aba! Ang taas ko naman!?" Sigaw ko ng makita ko ang score ko.

"Anong mataas diyan? 18 out of 50 ka idiot!" Sabi niya habang nakataas ang kilay.

Tumingin lang ako sa mukha niya para lalo pa siyang maasar. Nagiging magkamukha tuloy si Georgie at si mommy pag nagagalit. Hay buhay! Parang life!

"Naalala mo nung nag long quiz tayo? Diba naka 17 out of 40 ako! Hindi ka ba natutuwa na tumaas ako ng one point?" Pakamot kamot lang ako sa ulo ko para mag mukha parin akong chill.

"Magkaiba yon! Hindi mo ba alam ang pinagkaiba ng long quiz sa monthly test?" Aniya sa ganon paring tono.

"Hay! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! Ginawa ko naman ang lahat pero wala paring nag babago sayo! Saan ba ako nag kulang para magkaganyan ka? Saan!? Sabihin mo!?" Dugtog pa nito na para talagang mommy ko.

Ella and Bella [OnGoing]Where stories live. Discover now