1:Her name was Ella

22 3 2
                                    

1:
Her name was Ella

Bella

"Look who's here? Its Bellat." Bungad ni Arian sa akin pagpasok ko ng gate dito sa Quinn Academy, totally matagal na akong nag aaral dito at matagal na din akong nagtitiis sa mga bwisit na bully na ito.

Oo, tanggap ko na nerd ako dahil sa malaki kong salamin, curly kong buhok at tinaguriang book worm ng buong academy dahil sa laging libro ang nakaharap sa akin.

Siguro insecure lang talaga sila dahil ako ang pinakamataas sa lahat ng mga activity sa bawat subject di naman ako nag yayabang pero totoo naman ang lahat ng yon.

Hindi ko pinansin si Arian at dumiretyo lang sa pag lalakad.

Pero bigla nalang niya akong hinila paharap sa kanya. "Wag mo akong talikuran, Bella. Feeling mo ang ganda ganda mo?"

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sagutin siya dahil na nga siguro sa nag-iinit na ang ulo ko sa kanya. "Wala naman akong sinabing maganda ako diba? Bakit? Na-iinggit ka nanaman ba sa akin? Simula palang ng pasukan pero ramdam na ramdam ko na na natatakot ka na na mataasan kita sa lahat ng activity." Tinaas ko ang kaliwa kong kilay para asarin siya.

Ang lakas talaga ng loob mo Bella kahit na maraming kasama itong si Arian ay nagawa ko pa yon.

"So sumasagot ka na?" Bigla niya akong sinampal ng malakas sa pisngi, sa lakas ng impact ay natumba ako kasama ang salamin ko kaya ang buong paligid ko ay malabo.

Ang sakit ng pagkakasampal sa akin ni Arian, yung tipong parang anytime tatakasan ka ng utak mo.

"Yan ang mga napalala ng mga makakapal ang mukha na sumasagot sa akin, let's go girls. Ayaw kong ilabas ang buong galit ko sa babaeng ito ayaw ko pa ng gulo." Yun ang huli kong narinig bago sila nag alisan.

Bwisit na babaeng iyon! Hindi na talaga siya nagbago!

Kahit na kumikirot ang pisngi ko ay pinilit kong magkapa sa sahig dahil nga sa tumilapon ang salamin ko.

Hindi ko mahanap ang salamin ko, ayaw kong magpalit ng bagong salamin. Hanggang sa may naaninag akong isang emahe ng babae na nakalahad ang salaman ko sa akin.

"Ok ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"O-ok lang ako, wag mo na akong alalahanin pwede ka ng umalis." Pag tataboy ko sa kanya pero hindi ko pa pala nakukuha ang salamin ko sa kanya.

"Sure ka ba? Mukhang namumula ang pisngi mo?" Akma niya itong hahawakan pero iniwas ko ang mukha ko.

"I told you, ok lang ako. You must go baka malate ka sa first class mo." muli kong pag tataboy sa kanya, pero mukha talaga siyang matigas ayaw niyang umalis.

"Sige, kung mapilit ka. Ilalapag ko nalang dito yung salamin mo, ha? Aalis na ako." wika niya bago tuluyang mawala na ang imahe niya sa akin.

Mabilis kong kinuha ang salamin ko at mabilis ko itong sinuot.

Nahihiya ako sa babaeng tumulong sa akin, masyado ko siyang pinagtabuyan kanina. Ayaw ko lang talagang may naawa at nag mamalasakit sa akin.

Nasanay lang siguro ako na palaging mag-isa simula kinder. narealize ko kasi na lahat ng kinakaibigan ko ay pinaplastik lang ako, na-realize ko na lahat sila ay iiwan din ako pagdating ng panahon. So I started to hate all people surrounded on me, lahat sila ay iiwan ka rin pag may mali na silang nakikita sayo.

Sabagay. Hindi mo alam ang mga ugali ng mga tao, hindi mo masasabi kung mag sstay ba sila o hindi. 

--*--

Ella and Bella [OnGoing]Where stories live. Discover now