11:
Sleeping BellaThird Person
Laking gulat ni Ella nang makita niya ang kaibigan niyang nakahandusay sa c.r habang duguan. Hindi niya alam ang gagawin lalo na't takot siya sa dugo, nang hihina kasi ito sa tuwing makakakita siya ng dugo pero tinatagan niya ang sarili para sa kaibigan.
Mabilis siyang humingi ng tulong at ang una niyang sinabihan ay si Jimuel na abala sa pakikipag kulitan kay Georgie tsaka kay Carlo na nagbabasa ng libro. Romihistro kasi agad sa utak ni Ella ang mga pangalan nila at wala na din siyang ibang choice dahil sila lang naman ang kilala niya.
"Ella, call an emergency! Now!" Nnanatarantang utos ni Carlo habang nililinis ang parteng ulo ni Bella.
Si Jimuel naman ang tumatapik tapik sa pisngi ni Bella at hindi siya nawawalan ng pag-asang magising ito ngayon.
"Mga 20 minutes nandito na sila." Medyo naluluhang sabi ni Ella.
Natatakot siya sa kung anong maaring mangyari sa kanyang kaibigan dahil duguaan ang ulo nito,minsan ay naisip niyang siya ang may gawa nito dahil sa kapayaan niya, hindi manlang niya natutukan ang kanyanh kaibigan. Masyado siyang nag enjoy sa pag tatampisaw sa swimming pool kaya ito ang nangyari kay Bella.
"This is all my fault, kung hindi ako umalis sa tabi niya hindi ito mangyayari." Sisi niya sa sarili niya.
"Don't blame your self Ella, hindi mo kagagawan ito." Ani ni Jimuel.
Hindi niya pinansin ang binata bagkus ay tuloy lang ito sa pag-iyak.
Sa wakas ay dumating na rin ang emergency, binuhat nila ang walang malay na si Bella sa strecher at tsaka pinasok sa ambulansya.
Sumama naman ang tatlo sa paghahatid kay Bella papuntang ospital.
"Sorry Bella, I'm very sorry talaga." Paulit ulit niya iyong binibigkas habang humahagulhol.
--**--
Napabangon si Ella mula sa kama ng ospital. Oo, nasa ospital siya para bantayan si Bella, maaga siyang gumising sa bahay nila para pumunta dito. Grabr siya kung mag alala sa kanyang kaibigan lalo na nung sinabi ng doktor na nagkaroon ng brain damage si Bella dahil sa malakas na pagbagkas kaya na-comatose ito pero hindi daw ito magtatagal na ikinatuwa ni Ella.
Pinagmasdan niyang maiigi ang buong kwarto, puting puti ang buong silad na naglalaman ng kung ano anong gamit pang pasyente sa ospital. First time niyang makapunta dito kaya medyo nababano siya sa ilang mga gamit.
Biglang tumunog ang cellphone niya.
"Ilang minuto nalang at darating na ang parents mo Bella, don't worry." Aniya sabay himas ng noo nito.
Hindi na rin makapag hintay si Ella na makita ang mga magulang ni Bella dahil first time niya itong ma-mimeet.
Wala pang thirty minutes ay dumating na ang dalawang mag asawa na magulang pala ni Bella. Alalang alala ang mga ito ng makita ang anak nilang nakahiga at walang malay.
"A-anong nangyari sa kanya?" Hala sa kanya ang naghahalong takot, kaba at pag aalalala.
"We saw her inside the comfort room, wala na siyang malay at dumudugo rin ang kanyang ulo. S-sorry po... dahil hindi ko natutukan si Bella." Nakatungo ito habang nagsasalita.
"Ikaw ba ang kaibigan ni Bella? Si Ella?" Tanong naman nung lalaki na tatay ni Bella.
"O-opo. Patawarin nyo po sana ako."
YOU ARE READING
Ella and Bella [OnGoing]
Teen FictionSigurado ka bang totoo sayo ang mga kaibigan mo?