Ch.12 NR

190 6 0
                                    

Chaeyeon's POV

"Meron akong biniling strawberry shake. Favorite mo yun diba? Tsaka meron ding twister fries. Oh tubig kasi magshe-shake ka eh" sabi ni Jaehyun at binibigay lahat sakin yung mga binili niya.

"Eh ikaw?" Tanong ko.

"Okay lang ako" sabi niya at ngumiti. Bakit? Bakit ka ganyan Jaehyun!

"Share na tayo dito ang dami nito" sabi ko.

"Talaga? Gusto ko tong twister fries hehe" sabi niya na halatang hinihintay niya talagang alukin siya. Natawa na lang ako doon.

"Naks naman si valentine boy pumapag ibig" kantyaw ni Yuta.

Kasama naming kumain ang grupo namin pareho. First time to, kasi minsan ako ang sumasama kila Jaehyun or si Jaehyun ang sumasama samin tuwing break.

"Improving na talaga hahaha" sabat ni Kyulkyung.

"Inggit ka ba Taeyong hyung? Sino ba sa ioi bet mo?" Tanong ni Lucas.

"Manahimik ka nga. Sungalngalin ko yang bibig mo" sagot ni Taeyong.

Alam ko na mga nasa isip ng grupo ko, mga dakilang mapang asar yan kaya makikisakay yang mga yan.

"Diba si Chungha unnie yung kasama mo sa isang photoshoot? Napanuod ko nga yung behind the scene niyo at di ko alam na maalaga pala si Taeyong oppa" sabat ni Somi. Sabi ko sa inyo eh.

"Ooooooy" sigawan ng nct.

Nakita ko namang nailang si Chungha at parang wala lang kay Taeyong. If i know kilig itlog na yan.

"Oy si Chungha unnie namumula! Hahahaha" sabi ni Yoojung.

"Hala ikaw ha" sabi ni Jaehyun na nakapatong ang baba sa balikat ko. Di ko na inalis sanay na ako, pano ba naman araw araw oras oras nakaganyan sakin. Kung minsan nakahiga pa sa balikat ko at maya maya ay tulog na pala.

"Tigilan niyo na nga yan" suway ni Taeyong.

"May irerelease na album si Chungha unnie ngayon at may rapper na ka collab, ayaw niya sabihin kung sino hmmm..." sabi ni Yeunjung.

"Talaga?! Eh sabi din ni Taeyong hyung mag fe-feature siya sa isang artist at babae daw yun. Di niya din sinabi kung sino hmm..." sabi ni Winwin na ginaya yung kay Yeunjung.

"Ay may nangangamoy" sabi ni Haechan.

"Oo yang hininga mo" sabi ni Taeyong at nagtawanan kami.

"Hindi ba kayo ang tinutukoy niyo sa isa't isa?" Biglang tanong ni Jungwoo.

"Baka nga" sabat ni Mina na uminom sa softdrinks ni Mark.

"Oo na" sabay na sabi ni Taeyong at Chungha.

"Sauce! Aamin din pala nagpaligoy ligoy pa. Di niyo gayahin si Jaehyun walang ligaw ligaw girlfriend agad" sabi ni Doyoung at nag fist bump pa sila ni mokong.

Napaisip ako, mag 2 months na pala kami ni Jaehyun naglolokohan. At sa 2 months na yun naramdaman ko kung ano ang experience ng may jowa. Alam ni Taeyong na ayaw na ayaw ko sa lalaki. Si Taeyong at si Dad lang ang lalaki sa buhay ko.

Alam ko ding playboy tong si Jaehyun pero wala na akong nabalitaan na kalandian niya. Which is nakakatuwa dahil feeling ko seryoso siya sakin. Ayaw ko mang tanggapin pero nag eenjoy ako sa kung anong meron kami ni Jaehyun ngayon. Kung sana totoo lahat ng ipinapakita ni Jaehyun. Sana hindi ako mahulog ng todo dahil natatakot ako. Natatakot ako dahil nagkaka feelings na ako sa isang playboy.

Playboy | Jung JaehyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon