Ch.32 NR

142 5 0
                                    

Jaehyun's POV

Hindi ko alam bakit sobrang kaba ako ngayon. Wala naman sigurong masamang nangyari kay Chaeyeon at pati na rin sa baby namin. Hindi ko na ulit hahayaang mawala ang baby namin, hindi ko na makakaya.

Flashback

"Mom please wag niyo pong ilayo si Chaeyeon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung wala siya" pag mamakaawa ko sa parents ni Chaeyeon dahil balak nilang dalhin si Chaeyeon sa pilipinas matapos ang nangyari.

Coma ngayon si Chae dahil siya ang napuruhan sa aksidente. Si Hyunjae, ang anak namin ay nawala ng dahil sakin. At ngayon galit na galit sakin ang magulang ni Chaeyeon.

"Jaehyun, layuan mo na ang anak namin. Ng dahil sayo nawala ang kaisa isa naming apo at muntik pang mawala ang anak namin" sabi ng mommy ni Chaeyeon.

"I'm sorry. I'm sorry" yan lang ang tangi kong sinasabi. Kahit ang sarili ko ay hindi ko mapatawad.

"Kung magkikita man kayo in the future pangako mo na hindi mo na ulit sasaktan ang anak namin, pero sa ngayon anak kailangan na muna naming ilayo si Chaeyeon. At sana huwag na huwag mo siyang susundan sa pilipinas dahil wala kaming ipapaalala sakanya na mga nangyari dito. Maaasahan ko ba yan Jaehyun?" Kalmadong sabi ng daddy ni Chaeyeon. Tanging tango na lang ang nasagot ko bago sila umalis.

Nagising na si Chaeyeon at eto ako nakatanaw sakanya sa malayo. Ang saya niya panuorin parang walang problema. Samantalang ako wasak na wasak.

Dumating ang araw na lilipad na sila papuntang pilipinas. Nasa airport ako pero hindi nila alam. Ang sakit na hindi ka maalala ng taong mahal mo. At hindi mo magawang lumapit sakanya. Tinawag na ang kanilang flight number at sa isang iglap wala ng Chaeyeon sa paningin ko.

Kada buwan lumilipad ako ng pilipinas makita lang si Chaeyeon kahit sa malayo. Ang ganda talaga ng baby ko. Napangiti ako ng mapait.

At dumating na nga ang pinakahihintay ko, ang bumalik siya sa Korea. Kinausap ko ang president ng university na pinag aaralan ni Chaeyeon at nakiusap na i exchange student siya sa school na kung saan pag mamay ari ng pamilya ko.

Wala akong sinayang na sandali at agad siyang inadd at nakipag deal. Ito ngayon girlfriend ko na ang asawa ko at magkakaroon na ulit kami ng anghel.

End of flashback

Agad akong lumabas ng elevator sa floor kung saan naka confine si Chaeyeon. Unti unting bumabalik ang ala ala ng nakaraan. Dito rin sa floor na ito na confine noon si Chae at same ng room number. Nang marapat ako sa pintuan ay naalala kong dito ko siya pinagmamasdan noon na mahimbing na natutulog,masayang nakikipag kwentuhan sa magulang niya at nakahiga na maraming nakasaksak na kung ano ano sakanya.

Agad kong binuksan ang pintuan at nadatnan kong nakayuko si Taeyong hyung at Chungha. Tiningnan ko si Chaeyeon at umiiyak siya.

"Baby what's wrong? Why are you crying?" Agad akong lumapit sakanya. Pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Nakatulala lang siya habang umiiyak.

"Baby?" Tawag ko sakanya.

"Bakit?" Tanong niya pero di pa ein tumitingin sakin.

"Anong bakit?" Takang tanong ko.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin ang totoo?" Sabi niya.

"B-baby? A-ano ba yang s-sinasabi mo?" Utal na sagot ko.

"Bakit tinago niyo sakin na nagka amnesia ako?! Na matagal na pala tayong kasal Jaehyun! At si Hyunjae!" Sigaw niya.

"Shh calm down Chae" sabi ni Taeyong hyung

"How to calm down Taeyong?! Ang sakit! Ang dami niyong oras para sabihin sakin pero ano?! Hinayaan niyo pang ako mismo ang maka diskubre ng lahat ng to?! At kung hindi pa ako nadulas at nauntog at nawalan ng malay hindi ko malalaman lahat ng ito! Hindi hindi ko kayo mapapatawad! Umalis na kayo dito" sabi ni Chaeyeon.

"Pero bab—"

"Umalis na kayo!!" Sigaw niya. Wala na kami nagawa kundi ang lumabas.

Ito nanaman ba? Mawawala nanaman ba ang mag ina ko sakin? Ano bang nagawa kong mali at ganito ang nangyayari sakin? Sana ako na lang ang naaksidente. Sana ako na lang ang nawala at hindi si Hyunjae!

Playboy | Jung JaehyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon