Ch.19 NR

178 6 0
                                    

Chaeyeon's POV

Ilang araw nakong di pinapansin ni Jaehyun, di ko alam kung anong problema nun may toyo nanaman sa utak.

Tumatabi nga siya sakin sa klase pero nilalayo niya yung upuan niya bwiset usap usapan tuloy sa school na break na kami.

Sabagay siguro laro lang talaga ni Jaehyun to, ang lakas ng topak ng gunggong! Halos mag iisang linggo na akong di pinapansin.

Ilang araw na rin siyang may mga kasamang babae. At nakakainis putakte feeling betrayed ako amp. Sarap budburan ng ketsup tong mga tukmol na to! Di ko na natiis binato ko ng sapatos si Jaehyun habang may nakakapit na tuko sakanya.

"Aray!" Sigaw niya habang hawak hawak ang batok niya. Lumingon siya sakin na parang nagulat.

"What's your problem bitch?! Nasaktan ka ba babe?" Sabi nung babaeng pulang pula ang pisngi!

"Your face is my problem. And don't call me bitch kasi sating dalawa ikaw ang mukhang bitch" sabi ko in a calm way. Kalma lang tayo beh

"Ang kapal ng mukha mo!" Sabi nung babae at akmang sasampalin ako pero si Jaehyun enjoy enjoy pa bwiset talaga.

Bago pa niya ako masampal inunahan ko na. Nangati yung kamay ko eh.

"Argh!" Sabi nung babae at umalis na. Pumalakpak naman tong ulopong na to.

"Anong pinapalakpakan mo dyan?! Walang kalapati dito" masungit na sabi ko.

Hindi sumagot ang mukong at nag smirk lang. Aalis na sana siya pero binato ko ulit ng sapatos. Gago to nag uusap pa kami tinalikuran na ako.

"Aray Chaeyeon!" Galit na sabi niya ng nakahawak sa ulo niya.

"Shit! Why are you crying?! By!" Nataranta siyang niyakap ako. Kaya mas lalo akong naiyak.

"Baby tahan na okay? Sorry" sabi niya hinampas ko yung likod niya.

"Aray by! Mapanakit ka talaga. Physical and emotional" lumayo siya sa yakap at sinabi yan.

"Ano bang problema mo?" Sabi ko

"Gusto ko lang naman ng lambing mo eh" sabi niya ng naka pout.

"Neknek mo! Dami dami mong kasamang babae! Tapos gusto mo pa ng lambing hmp" sabi ko.

"Baby kung alam mo lang ayaw na ayaw ko sakanila! Napipilitan lang ako para mapansin mo no. Di ko alam na iiyakan mo ulit ako hahaha" sabi niya hinampas ko sa braso at napa aray naman.

"Ano ba tayo?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko yan kaya napatakip ako ng bibig. Nakita ko namang napangiti siya.

"A-ano.. a-alam ko namang sinabi mong girlfriend mo na ako p—" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan niya ako.

Nilagay niya yung braso ko sa leeg niya at yung braso niya ay nasa bewang ko. Tumagal ng 1 minute siguro yung halikan namin bago ako humiwalay, naubosan ako ng hangin mygahd feeling ko pulang pula nako sa kahihiyan dahil nasa may entrance kami ng gym.

"You're blushing by hahaha ganda mo" sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Girlfriend kita baby, kaya wag mo ng pagdudahan okay? I love you" sabi niya at binigyan niya nanaman ako ng smack sa lips.

"Ang tagal naman ng i love you too" biglan may nagsalita sa gilid namin.

"Hoy Kyul chismosa mo talaga" sabi ko na lang. Ang ioi nasa gym galing siguro ng boy hunt nanaman. Andyan naman nct eh hahaha

"Pero talaga nagtampo ako nung hindi ka nagchachat sakin nung birthday ni gyu! Tapos parang ang sweet sweet mo sakanya, tapos sakin mapanakit ka" sabi niya ng naka pout.

"Sira, lowbat kasi yung phone ko that time" paliwanag ko.

"Lowbat? Paano kayo nakapagpicture?" Sabi niya

"Pinicturan kami ni Vernon tapos sinend niya sakin thru messenger" paliwanag ko.

"Tss" sabi niya

"Nga pala bakit di ka daw pumunta sabi ni gyu? Tropa pala kayo" sabi ko.

"Wala ka talagang pakelam sakin, may practice kami that time kasi magc-comeback na nct" sabi niya.

"Ay talaga ba? Kelan ba next practice niyo? Nuod ako" sabi ko ng nakangiti.

"Omg baby! Talaga?! Bukas!" Sabi niya na parang bakla hahaha

"Oo hahaha sige sabay na lang ako sayo baka di ako papasukin sa sm eh" sabi ko. Tumango tango naman siya na parang bata

Playboy | Jung JaehyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon