Niq.
(intro of Ignorance by Paramore playing.)
If I'm a bad person, you don't like me.
well, I guess I'll make my own way.
It's not a circle I mean, a cycle
I can't excite you anymore.Jacqi Ganda <3 calling...
Ano baaaaaaaaaaaaa! Ang aga aga pa, nanggigising na 'tong kapatid ko.
You're not a judge but if you're gonna judge me,
Well, sentence me to another li–"Oh, ano bang problema mo?! Ang aga aga pa Jacq ha."
"Omg ate! Gising na please. I love you. Grabeeeeee!"
"Ano ba yon? Masakit ulo ko!!!"
"Ate, ang sungit sungit. Grabe, ang gwapoo ni Jaaaaaaameeeesss Reeeeiii-"
END CALL.
Yes, I ended the call. Hindi ko pinatapos ang sinasabi ng kapatid ko dahil sasabihin na naman nyang (imitating my sister's small and irritating voice) "Ateeeeeeeeeee! Ang gwapo ni Jameeeeeesssss Reeeeeeeeeeiiiiid!!!!!! Loooooooook, open your tv na pleaseeeeeeeee. Omg! Omg!"
Ginising nya lang ako dahil don. Ang Sweeet! -_-
Nagtataka rin siguro kayo kung bakit Jacqi Ganda ang pangalan ng kapatid ko sa phonebook ko? Jusmeeee. Sya po ang naglagay niyan hindi ako.
Sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung dahil:
A. Gumimik kami kagabi ng mga kaibigan ko at 4am na nakauwi at 5:15 na nakatulog. Take note, 8:30am pa lang.
B. Sa ringtone kong rock na nakakagulat dahil nakatodo ang ringing volume and naka on ang vibration.
C. Sa kapatid kong obsessed kay James Reid, Christian Grey at sa mga lalaking may abs. -////-
D. ALL OF THE ABOVE.
Omg. I need to sleep. I really really need to sleep.
*ikot* (my feet sa headboard, nakadapa hugging my pillow, face sa right)
*ikot ulit* (moving clockwise)
Mga ilang ikot pa. Pero wala pa rin. Sht. Nawala na antok ko! Ano ba 'toh!
Napatingin ako sa may digital clock ko.
8:50am May 26. Monday
Napatingin na ko sa phone ko dahil Monday pala ngayon at wala akong alam. Ang tanga ng phone ko.
Note:
Freshmen's Enrollment today. 10:00am
Jacq's first day of school. June 16. 8:00amOh crap! Enrollment nga pala ngayon! I have to be at school within 45 minutes. Sht!
Lumabas ako ng kwarto ko just to check kung may kasama pa ba ako. Wala kasi si yaya dahil umuwi ng probinsya. Chineck ko muna yung kapatid kong baliw at baka basag basag na yung monitor ng computer or baka yung tv sira na dahil sa James Reid na yan.
"Hi ate! Good morning. ^_______^v" sabi ng kapatid ko habang kumakain ng chupa chups.
Nasa kabilang kwarto lang si Jacq pero tinawagan nya pa talaga ako. Bakit? Dahil alam niyang mabubulabog ako kapag tinawagan nya ko at mapapagod sya kapag kumatok pa sya sa pinto ko.
"Shut up! Why didn't you wake me up kanina? I'm running late Jacq!!!"
"Eh why are you mad at me? It's not my fault naman if you went out with your friends at napuyat ka. Buti nga, tinawagan pa kita! Mag thank you ka kay Baby Reid ko!" She points her lollipop to me and she's looking at me like she really wants me to do whatever she said. Az in?!
"Whatever! And you, ang aga aga lollipop yang kinakain mo. Bumaba ka doon at magbreakfast!" I told her using my authoritative voice.
Masyado syang focused kay James Reid. Ugh!
"Jacqueleen Zoelle. I said go downstairs and have your breakfast, NOW!" Medyo mahirap rin pala kapag mahaba ang pangalan ng kapatid. Nakakapagod ifullname. Blame it to my mom. Sya nagpangalan samin eh.
Aba hindi pa rin ako pinansin ng kapatid ko.
"Ipapatanggal ko ang cable, wifi at power supply ng bahay na to ng hindi mo mapanuod yang James Reid na yan!"
After I said that magic word, parang bumalik sa katinuan ang kapatid ko at agad tumayo para kumain. :)
"Ito na nga po ate eh! Ikaw kasi, nakaharang ka pa dyan sa pintuan eh dadaan ako. Kakain na nga po ako kasi gutom na nga po ako ate. Ikaw? Di ka pa ba kakain?!"
E madali naman pala kausap tong kapatid ko. :)
Hinayaan ko na syang kumain mag isa sa baba dahil wala na kong oras para ipaghanda pa sya. I'm running really late.
Naligo na ako. After 15 minutes, natapos na ako. Then suot ko yung blue floral crop top at black high waist pants ko with gray cardigan at blue doll shoes.
Bumaba na ko sa dining area at umupo sa tabi ng kapatid ko just to have a quick breakfast.
"Ate, mom's coming on tuesday. She said she wants to bond with us."
"Jacq, please tell me you said no." I said with a soft voice.
"I told her not now cos you don't want to see her." At tumingin sakin si Jacq na parang sinasabi na makipagkita na ko sa mommy namin.
"Oh please, don't give me that look. You know the reason why naman di ba? Anyway, I have to go."
"Bye, ate."
Dumiretso na ko kotse namin at hinatid ako ni Mang Pen sa school.
Before I continue the story, let me introduce myself.
I'm Dominique Arendel Alejo. 17 years old, will be 18, 3 months from now. Taking up Bachelor of Secondary Education major in English. 2nd year college. 5'6 by height. Morena. My mom is pure filipina and my dad, 1/2 Brazilian and 1/2 Filipino so all in all, I'm 1 and 1/2 Filipino and 1/2 Brazilian. Tama ba? Sorry, I suck in Math that's why I chose to be an English Major. ^_^v.
I have one and only sister, Jacqueleen Zoelle Alejo. 15 years old. 4th year high school.
Our parents got annulled last year pero 4 years na talaga silang hiwalay. Alam niyo naman ang annulment process dito sa Pilipinas diba?! May ibang pamilya na ang mom ko while my dad is staying in France dahil sa hotel business nya and he also runs his own university doon. Syempre with the help of his board members, kaya dun nya kailangan magstay sa France.
Pero wala syang ibang pamilya. My dad loves me and my sister so much that he doesn't want to get married again. So kami lang talaga ng kapatid ko ang nakatira sa bahay plus yung dalawang maid at yung isang yaya ni Jacq tapos si Mang Pen na driver namin at si Yaya Sol, ang yaya ko. Sila yung tumayong magulang namin. Kapag Semestral, Christmas and Summer Break, pinupuntahan namin si Daddy. Minsan naman, sya ang umuuwi rito sa Pilipinas. Tapos minsan, pinipilit ako ni daddy na pumunta ng Miami to visit my mom. Pero minsan lang yun. Siguro mga once a year. :)
And maybe you're wondering why I don't want to see my mom. It's a long story. But to make the long story short, it's my mom's fault kung bat sila naghiwalay ni dad. Siguro hindi lang matanggap ng system ko na hiwalay na talaga sila at sumama si mommy sa first love nya. Isn't it stupid?
Okay, so moving on...
While we're on our way to school, biglang tumawag si daddy sa viber ko.
"Hello Dad! How are you? I miss you."
"Hi my angel. I miss you too. I have to tell you something."
"What is it, dad?"
"I'm coming home by Tuesday, next week. I want you to pick me up at the airport. Isama mo yung kapatid mo."
"Omg dad! I'm so excited, I can't wait."
"Okay angel, see you. I have a meeting na. Ingat ka. Alagaan mo yung kapatid mo ha. I love you."
"Opo dad. I love you too."
Call ended.
BINABASA MO ANG
Suddenly.
HumorHi wattpad readers. :) So, ayon. This story is about a spoiled brat who met her match after the longest time. Si gangster. Pero hindi sya yung jejemon type of gangster. You'll know it naman while reading the story. They met in a most unexpected circ...