Dumating kami sa school just on time dahil wala namang traffic ngayon.
"Mang Pen, hintayin niyo na lang po muna ako dito. Sandali lang naman po siguro kami mag eenroll."
"Sige Niq. Dito lang ako sa baba. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka."
"Sige po."
Dumiretso ako sa Administration Building para mag enroll. Medyo marami na ring mga students. Tinawagan ko si Xyleena, ang best friend ko.
"Bes, asan ka?"
"Andito sa Administration Office. Medyo mahaba na ang pila. Asan ka na?! Marami ka pang iassist na students!"
"Kakarating ko lang. Sige puntahan na kita dyan."
"Sige bilisan mo. Pagdating mo dito, mag encode ka na ng sched mo. Gayahin mo na lang yung sched ko para sabay tayo ng vacant saka ng mga oras ng klase, okay?!"
"Ge." Then, I dropped the call to end the conversation.
So I walked down the corridor para puntahan si Xyleena. Marami na ngang nakapilang students today. Marami na naman pala kaming iassist.
Nagtataka siguro kayo kung bakit?! Simple lang. Club President ako ng Educator's Council and one of my duties and responsibilities is to assist students with their enrollment. Madali lang naman ang enrollment process sa school dahil may online enrollment, but those are just for second year students above and block sections.
Habang naglalakad, kung todo ngiti pa ko sa mga schoolmates ko. Kilala ko yung karamihan sa kanila pero hindi ko close. Karamihan kasi sa kanila, gusto lang makipagkaibigan dahil alam nilang kilala ako sa university. Yung iba naman, mababait talaga at gusto talaga akong kaibiganin. Yung iba, friends ko pag harap pero bashers ko pala pag talikod. I don't know who among them are true and genuine people but I still smile at them.
While I was walking along the hallway, I heard someone asked about me so I slowed down and pretend to talk with some other freshmen students.
"Sino yung Dominique, pare?! Balita ko sa CEd (College of Education) din yun ah." Tanong nung isang guy na medyo moreno at may hitsura rin naman. Mga 5'8 ang height.
"Sophomore student. Isa sa pinakamaganda at pinakamatalinong student ng CEd. President kasi yon ng club namin kaya sikat sya sa university. Tapos maganda na, mabait pa. Kaya lang maldita minsan lalo pag may mga pasaway na students." Sagot nung isa namang lalake na malamang ay kabatch ko lang din.
"Aba, kung sya naman pala ang magiging teacher ko, okay lang sakin. Papasok na ko araw araw non. Makita mo palang siguro sya, motivated ka na mag aral. Kahit magsungit at magmaldita sya, okay lang!" Sabi naman nung isang guy na mga halos nasa 5'3 lang din ang height sabay ngiti sa kasama nya. Cute sya. Halatang freshmen. Jusko tong batang to.
Sa kakaeavesdrop ko sa usapan ng iba, hindi ko napansin na may tumatakbo sa dinadaan ko. When I started to notice, it's way too late.
"Tabeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!"
BOOOOGSH!!!
Ugh. What the hell did just happen?! I opened my eyes to see what was going on. To my surprise, I saw someone on top of me tapos basang basa na rin ako ng coke at may fries pa. So, ito na ba ang uso ngayon? Paliliguan ka ng pagkain with drinks kapag maganda ka?!
Tumayo na yung lalake na nasa ibabaw ko kanina. Medyo ang awkward kasi ng pwesto namin. Syempre, dahil maganda ako... I managed to stand up with poise. Yun nga lang, I can't manage to smile cos I'm not fine.
"Miss ano ba yan! Natapon yung pagkain ko oh." Reklamo nung guy na nakabangga sakin. At ang kapal ng mukha ano po?
"Excuse me?!" I raised my eyebrow on him.
BINABASA MO ANG
Suddenly.
HumorHi wattpad readers. :) So, ayon. This story is about a spoiled brat who met her match after the longest time. Si gangster. Pero hindi sya yung jejemon type of gangster. You'll know it naman while reading the story. They met in a most unexpected circ...