IV.

1 0 0
                                    

Ginabi na kami ng uwi ni Daddy. Kung san san pa kasi kami nagpunta. Parang walang jet lag!

Kinabukasan, I decided to go kina Vlad. Namiss ko kasi sila eh.

Nabasa niyo naman siguro yung conversation namin ni Daddy kahapon. Oo. May gusto ako kay Vlad. Or maybe, it's better to say na "nagkagusto" ako kay Vlad. Past tense. Nakamove on na kasi ako. Magbest friend kami since 4 years old kami. Kami na kasi yung magkapartner sa kahit anong gulo noon hanggang ngayon. And another fact, magbest friend rin ang parents namin. Si daddy at daddy niya. Kaya nga they decided na magkalapit ang bahay na bilhin para makita daw nila pareho ang paglaki namin.

Hindi pa ko nagsusuklay pero nagtoothbrush na ko. :) Naka tshirt at pajama lang din ako. Dun na lang din ako kakain ng breakfast sa kanila.

Pagdating sa gate nila, nagdoorbell na ko. Pinagbuksan naman ako agad ng Yaya ni Vlad.

"Good morning ma'am niq."

"Hello. Good moRning din. asan si Vlad ate chay?"

"Nasa dining area po. Kasama yung pinsan nya. Nagbreakfast na po ba kayo?"

"Hindi pa ate. Makikikain nga sana ako dito eh. Hehe! Sige te, puntahan ko na lang sya ha."

Ngumiti lang si ate chay at pumunta na ng garden para paliguan si Zayn, the shitzu na aso ni Vlad.

Habang naglalakad papuntang dining area, kinakabahan na ko. Sobrang kinakabahan. Actually, papunta palang ako dito, parang there's something that pulls me back from going here. Pero wala, nangibabaw pagkamiss ko kay Vlad at sa bahay nila na palaging may pagkain. :)

Pagdating ko ng dining area, agad kong nakita si Vlad na kumakain ng sinangag with bacon and ham. Tapos may bread with nutella na sinasawsaw nya sa mango juice nya saka nya iinumin. Ang baboy noh?

"Vlaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaad!!!! Grabe. Namiss kita. Ang taba mo pa rin!!!"

"Sabi na nga, pupunta ka eh. Haha! Lakas talaga ng instinct ko."

"Kaya ba bacon at ham ang pinaluto mo?"

"Oo syempre. Anyways, this is my cousin, Zac. Dun siya nag enroll sa school niyo. Sabi ko nga, dun ka rin nag aaral eh."

Nilingon ko yung taong tinuro ni Vlad. Pero parang hindi tao.

"IKAW?!!!!!!" SAbay naming sabi ni Zac.

"Wait. Magkakilala ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Vlad.

"Oo!!!" Sabay naming sabi ng pinsan nya. I never thought na may kamag anak pala ang best friend ko na saksakan ng sama ng ugali.

"Okay. So it seems like you two are not in good terms."

Neither of the two of us answered him. Instead, umupo ako sa tabi ni Vlad at akmang magbbreakfast nang biglang magsalita na naman ang kumag nyang pinsan.

"Wait. What are you doing?!" -zac.

"Are you blind or just plain stupid? I'm gonna stare at this food until it disappears. Idiot!"

"Eh ba't kasi dito ka magbbreakfast?! Wala ba kayong pagkain sa bahay niyo? Mahirap siguro kayo kaya ka nakikikain sa ibang bahay."

"Walang pagkain sa bahay namin dahil hindi pa tapos magluto ng breakfast ang yaya ko at kung mahirap na nga sayo ang maging isang anak ng may ari ng isang multinational five star hotel and CEO of City of Paris France National University at nag mamay ari ng isang Limousine, dalawang Porsche at Audi at isang convertible na BMW,Aba! Mahirap nga kami! Sorry. Yun lang kasi ang kayang bilhin ng pamilya ko eh. Mahirap lang rin kami kasi sa Northridgeville University ako nag aaral. Mahirap lang kami kasi 78,000 per sem ang tuition ko at binabayaran yon ng daddy ko in cold cash! Ngayon, tell me... Yun ba ang mahirap sa'yo?!" I asked him with a raised eyebrow.

Hindi naman na nakapalag ang mokong. Buti naman at makakakain na ko. Bigla namang humagalpak ng tawa si Vlad.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Sorry ang dami kong tawa, hindi ko nabilang. HAHAHAHAHAHA!!!" Sabi ni Vlad habang tumatawa pa rin. Hawak hawak na nya ang sikmura nya sa sobrang tawa pero hindi pa rin sya tumitigil. I really have no idea why he's laughing.

"Ganyan ba epekto ng kinain mo kanina? Kakausapin ko si ate chay na wag ka nang lulutuan ng bacon. Nagiging baliw ka eh!"

"Kung nakita niyo mga hitsura niyo kanina habang nagtatalo kayo, ah grabe! Sobrang nakakatawa kayo."

"Grabe ka Vlad. Ilang linggo lang tayong hindi nagkita, nasiraan ka na ng ulo."

"HAHAHAHA! Grabe niq, bagay kayo ng pinsan ko. Yiiiiiieeeeeeee!!!" Sabay kiliti sakin ni Vlad. Sira ulo na nga talaga tong best friend ko. Kung ano anong nakakadiring bagay ang mga sinasabi.

"Baka kayo magkatuluyan na dalawa. Yiiiieee!"

"NEVER!!!" sabay na naman naming sagot ni Zac.

"Tignan mo, sabay pa kayong nagsasalita. Hay, tadhana nga naman."

At nanahimik na ko. Kumain na lang ako ng bacon, pancakes, cheese at swiss milk dark chocolate with marshmallows. :)

Si Vlad naman, pinapapak yung cheese habang inaantay ako matapos at yung pinsan nya, lumayas na sa harap namin. Buti na lang! :)

"Hoy. Ba't di mo na ko tinitext? May boyfriend ka na noh?!"

Tinapalan ko naman ng isang slice ng cheese ang bibig nya.

"Alam mong enrollment ngayon, tatanungin mo ko ng ganyan. Baliw ka?"

"Malay ko ba. Baka nakalimutan mo na ko."

"Leche. Ang drama mo. Kadiri ka."

"Okay lang yan. Mahal mo naman ako diba?!"

Napatahimik ako sa tanong ni Vlad. Mahal ko sya? Sabihin ko bang oo?! Dati?! Siguro?! Ayyyssss. Ano ba yan.

"Oo naman. Best friend kita eh." And that was the only thing na nasagot ko sa kanya.

"Good. Mahal rin kita."

Bumilis yung heart beat ko.

Dug dug... dug dug... dug dug...

"Kasi best friend rin kita." Dugtong nya.

"Oo nga. Hahaha!"

I still managed to laugh para hindi awkward. Tch. Ba't kasi ganito mag isip utak ko eh. </3

A/N: please comment your suggestions. :) tapos ko na po yung next chapter kaya lang sobrang bagal ng wifi. thank you. -k.

Suddenly.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon