Chapter 19

3 1 0
                                    

cinderella pov

Kanina pa kami ni aya dito sa may talon pero hanggang ngayon ay hindi nya pa din sinasabi kung ano ang naging dahilan kung bakit ito malungkot. Hindi kaya dahil sa nangyari kahapon? Nandito kami sa ilalam nang puno at nagpapahinga.

"aya ano ba talaga ang problema? "tanong ko sakanya.

"wala naman to. May iniisip lang ako." Nakangiting sagot nya saakin pero bakas sa mga mata na ang pagkalito. Thats why Im more worried now. Pero nabigla nalang ako nang niglang bungangon si aya.

"aya, bakit? "ngtatakang tanong ko sakanya.

"shhh." Saway nya saakin kaya naman nanahimik nalang ako at ilang saglit pa ay agad nya akong hinila patayo at nagmamadaling umalis sa talon hanggang naramdaman ko nalangg na tumatakbo na kami.

"ano ang nangyayari, aya?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"may mga taong papunta sa talon kaya kailangan natin na makapag tago." Sabi saakin habang tumatakbo.

"pero bakit kailangan nating magtago? At paano mo nalaman na may mga tao?" nagtatakang tanong ko sakanya dahil wala man lang akong narinig na mgataong dumadating. Pero hindi nya ako sinagot at nagpatuloy lang kami sa pagtakbo. Hanggang sa nakakita si aya ng pwede naming mapagtaguan.

"cinderella dito lang at wag kang lalabas at kahit na anong mangyari ay wag kang lalabas dito sa pinagtataguan mo." Bilin saakin ni aya na syang pinagtataka ko.

"saan ka pupunta aya?" tanong ko sakanya.

"kailangan kong malaman kung sino ang mga nandito sa gubat at kung bakit sila nandito." Sagot nya saakin.

"nababaliw ka na ba!" gulat na sabi ko sakanya lalo na at napakadilikado nang gusto nyang gawin. Mag sasalita pa sana si aya nang may mga taong biglang huminto sa malapit sa pinagtataguan naming kaya naman narinig naming ni aya ang mga pinaguusapan nang mga ito.

"kailangan natin silang mahanap at mahuli dahil kailangan natin sila para makuha natin ang crown prince." Dinig naming na sabi nila. Kaya naman lalo akong natakot lalo na alam kong si aya ang balak nilang makuha.

{Aya pov}

Alam kong natatakot na si cinderella sa mga narinig nya. Lalo na at pangalawang beses na nangyari ito saamin. Kung sana nandito lang sina aster at ceno ay wala akong problema na makipaglaban sa mga ito? pero ano ang pwede kong gawin para masigurado kong hindi nila mahuhuli si cinderella?

"sorry cinderella." Sabay yakap ko sakanya at pinatulog ko sya at dahan dahan akong umalis para nang makalayo na ako nang mabuti kay cinderella ay agad akong tumakbo para makita ako nang mga taong naghahanap saakin at mukang nagtagumpay ang plano ko dahil nang makita nila ako at agad silang tumakbo papunta saakin.  Kaya naman lalo ko pang binilisan ang takbo ko para lalo akong makalayo kay cinderella at sigurado naman akong sa mga oras na ito at hinahanap na kami nila aster.

Ceno pov

Nandito kami ngayon ni aster sa gubat para hanapin sila aya dahil nasabi na ni aster saakin na may bahay dito sa gubat si cinderella na minana nito sa kanyang ina at minsan nang nakapunta dito si aster. Alam ko na kaya napagpasyahan ni aya na sumama kay cinderella a dahil sa sinabi ko kaya di ko mapapatawad ang sarili ko oras na may nangyari sakanya. Nang makarating kami sa  bahay ni cinderella ay wala sila dun kaya naman naglakad kami ni aster sa gubat para hanapin sila nang mabuti lalo na dahil hanggang ngayon ay hindi pa din naming nalalaman kung sino ang gustong pumatay kay aya.

"p p prince ceno" narinig kong tawag saakin kaya naman napalingon ako sa tumawag saakin at dun ay nakita ko si cinderella na nakadapa kaya agad na tumakbo si aster sa dalaga at sa nakita ko ay bigla nalang akong kinabahan.

"cinderella anong nangyari sayo at asaan si aya?" sunod sunod na tanong ko sakanya pero bigla nalang nagsalita si aster.

"Ayos ka lang ba cinderella?"nagaalalang tanong ni aster kay cinderella tumango lang ang dalaga kay aster at tumingin si aster sakanya. "ceno mamaya na natin tanungin si cinderella ang mabuti pa ay ihatid na muna natin sya sa bahay nya at dun na natin sya tanungin." Nang bubuhaton na sana ni aster ang dalaga ay bigla ulit tong nagsalita.

"Pakiusap mga mahal na prinsipe kailangan nyong mahanap si aya dahil malalagay sya sa kapamahakan dahil may mga lalake ang naghahanap sakanya at gusto nilang gamitin laban sayo prinsipe aster." Sabi nya saamin na lalo kong ikinagalit. Kaya naman agad akong umalis para hanapin si aya. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko na may mangyaring masama sakanya.

_____________________________________________________________________________________-

Done

a cinderella twisted storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon