chapter 17

3 1 0
                                    

cinderella pov

Hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na isa syang prince at sya pa talaga ang crown prince. Dahil magmula nang makita ko sya ulit sa may plaza ay dun ko na nalaman ang totoo. Ngayon naman dito pa talaga ako sa palasyo pinagtrabaho nang aking stepmother. Nandito ako ngayon sa hardin dahil nandito sila kakain kasama ang hari at reyna. Nandito din ang 2 prinsipe at si aya bigla nalang kumirot ang dibdib ko ng makita ko si aster at aya na masaya at asikasong asikaso nito si aya. Pero wala akong magagawa dahil alam ko na kasalanan ko din naman bakit nangyayari ito. Lalo lang sumakit ang dibdib ko nung makita ko si aster kung paano mag alala kay aya dahil bigla itong naging malungkot at dahil dun ay bigla ko nalang nabitawan ang mga plato na dala ko at mas nagulat pa ako nang bigla nalang hinawakan ni aster ang mga kamay ko.
"ayos ka lang ba cinderella? " nag aalalang tanong nito saakin. Hindi ko alam ano ba talaga ang gusto nito saakin. Hindi nya rin ba napapansin na bigla nalang nalungkot si aya dahil sa biglang paglapit nya saakin na syang ikinainis ko. Dahil ayoko ang nakikita kong kalungkutan sa mga mata ni aya.

"prinsipe mawalang galang na po pero wag po kayong lumapit saakin dahil baka masamain nang crown princess." Bulong ko sakanya at may nakita akong ngiti sa kanyang mga labi. Ewan ko kung bakit pero lalo lang akong nainis ditto.

"wag kang mag alala cinderella dahil sigurado akong maiintindihan ni aya ang paglamit ko sayo." Sagot nya saakin. Nakita ko din ang pagmamadaling pag alis ni aya at sinundan naman ito ni prinsipe ceno.

"prinsipe aster mawalang galang po pero umalis na po si prinsesa aya at mukha pong di nya nagustahan ang iyong ginawang paglapit saakin." Sabi ko sakanya. "at saka po wag po kayong mag alala saakin dahil ayos lang naman po ako sadyang sinumpong lang po ako nang pagiging clumsy ko" sabi ko pa sakanya.

"pero sa sugatan cinderella di yan ok... paano pag di nalinis agad yan at baka ano pang ang mangyari sayo." Sabi nito saakin na syang ikinatanga ko at napabuntonghininga nalang ako sa sinabi nya at kinuha ko ang kamay ko sakanya at tumayo na ako at uniwaan ko nalang sya. Dahil sa nangyari ay sigurado akong mapapagalitan ako nito. Mukang tama ang hinala ko dahil kapasok ko sa kusina ay bigla nalang akong pinatawag ni butler hans.

"anong nangyari ay bigla nalang nabagsak ang mga pinggan na dala?" tanong nito saakin.

"patawad po, butler hans." Sabi ko nalang sakanya.

"dahil sa nangyari ay paparusahin kita." Sabi nya saakin na syang ikinatakot ko dahil di lang siguradong simpleng parusa ang ibibigay nya saakin.

"butler hans pinatatawag po kayo nang crown prince." Biglang tawag kay butler hans kaya naman di na nito nagawa pang ibigay ang parusang ibibigay nya saakin at maya nalang daw pagbalik nya kaya naman ginawa ko na muna ang lahat nang aking trabaho.

Maaga akong nagising ako at dahil day off ko ngayon ay napagpasyahan kong umalis at bisitahin ang tahanan ni mama sa may kakahuyan dahil medyo matagal na din akong di nadadalaw yun. Kaya nandito ako sa kusina para magdala nang pwede kong makain.

"cinderella ano yang ginagawa mo?" tanong nang bagong dating na si aya na syang ikinagulat ko.

"kayo po pala pincess. Sandwich lang po dahil balak kop o sanang pumunta sa bahay nang aking ina tutal namn po ay day off ko po ngayon." Paliwanag ko sakanya.

"cinderella ilang beses ko na ba sinabi sayo na wag mo akong tatawaging princess lalo na at pagtayo lang dalawa. Kahit sana ikaw lang na wag akong tawaging princess dahil nagsasawa na ako at di naman ako talagang isang princess." Paliwanag nya saakin.

"kayo po ang masusunod." Sagot ko nalang sakanya.

"salamat cinderella..." sabi nya saakin. "nga pala pwede ba akong sumama sayo ngayon dahil gusto ko munang umalis dito sa palasyo dahil sakal na sakal na ako dito." Pakiusap nya saakin at di ko alam pero everytime na makikiusap sya saakin ay di ko sya magawang tanggihan.

"pero aya baka hanapin ka nila pag sumama ka saakin." Sabi ko sakanya.

"wag kang mag alala cinderella sasabihin ko nalang kay Cordelia kung saan tayo pupunta dahil kailangan ko nang lumayo muna dito sa palasyo." Pakiusap nito kaya naman wala na akong magawa pa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan nya.

"sige pumapayag na ako na sumama ka saakin aya." Sabi ko sakanya.

"salamat cinderella." Sabi nya sabay yakap saakin.

"mag ayos ka na at magsabi ka na din kay Cordelia na sasama ka saakin at kung gusto mo ay isama mo nalang din sya para di sya masyadong mag alala." Sabi ko sakanya.

"wag na muna natin syang isama ngayon." Sabi nito saakin pagkatapos ay umalis na din si aya.

Done for the chapter 17


a cinderella twisted storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon