Chapter 11

12 2 0
                                    

Aster pic

=========!!=========!!=========!!=
(Cinderella pov)
Pagkatapos kong iwan si aster bahay nang aking ina ay agad akong umuwi sa bahay namin. Pagkarating ko palang ay narinig ko na ang aking madastra na tinatawag ang aking pangan kaya naman agad akong punta sa silid nito. Pagkapasok ko ay bakita ko agad ang mga nanlilisik nitong mga mata.
"saan ka nanggaling, cinderella? " tanong nito saakin.
"sa bayan po." sagot ko sakanya.
"ano naman ang ginawa mo sa bayan?" tanong nito saakin.
"may pinabili po kasi si giselle saakin na mga gamit saakin." paliwanag ko sakanya. Ilang sandali nya pa akong tinitigan parang di ito naniniwala saaking sinabi.
"gusto kong maghanda ka na nang aming hapunan." sabi nito saakin.
"masusunod po" sabi ko nalang sakanya at agad akong umalis sa silid nang aking madastra at pumunta sa may kusina. At doon ay bigla nalang akong napabuntong hininga dahil akala ko ay hindi nya ako paniniwalaan.
Habang busy ako sa pagluluto ay bigla naman akong niyakap ni giselle.
"ate umamin ka nga saakin." sabi nito saakin.
"ano yun? " tanong ko sakanya.
"ikaw ba ang kasayaw nang crown prince kagabi? " prangkang tanong nito saakin na syang ikinagulat ko dahil alala ko ay wala kahit sino man ang nakakilala saakin kagabi.
"hahaha nagpapatawa ka ba giselle?" natatawa ko sakanya pero sa totoo lang ay ninenerbiyos na ako. "paano ako makakapunta dun? Nakita mo naman nang sirain nang ate mo yung damit ni mama. " sabi ko pa sakanya.
"bahala ka kung ayaw mong sabihin saakin. Basta onee chan mag iingat ka." bilin nito saakin sabay na iniwan nya na ako.
Sa totoo lang may parte nang isip ko na nagsasabi na sabihin na kay giselle ang totoo pero may parte nang utak ko na natatakot sa di ko malamang dahilan.

=someone pov=

Habang busy si cinderella saga gawaing bahay ay di nya napansin ang mga nakamasid sakanya.
"mapapasaakin ka din princess at sa oras na nangyari yun ay hindi na tayo maghihiwalay pang muli at hindi ko din papayagan pang muli na maagaw kaya ulit saakin. " sabi nang isang nilalang pagkatapos at tumawa ito.

=someone pov=
"mahal ano ang gagawin natin? " nagtatakang tanong nito sa kanyang kabyak.
"sa ngayon mahal ko ay wala pa tayong magagawa. Ipagdasal nalang natin na malampasan nila ang pagsubok sa buhay nila. " sabi nalang sakanya nang kanyang asawa. Tama ito wala na silang magagawa kung hindi hintayin ang mangyayari.
"sana lang mahal ay matanggap nila ang totoo lalo na sa pagkatao nilang dalawa. " sabi nya nalang dito at niyakap nalang sya. Dahil ganon din ang kanyang hiling.. Na sana ay matanggap nila ang katotohanan lalo na sya. Dahil sakanya kami may pinakamalaking kasalanan.

Meanwhile in merina kingdom

=aster pov=

Umuwi muna ako dito sa palasyo dahil gusto akong kausapin nang aking nakakabatang kapatid.
"ano ang pag uusapan natin ceno? " tanong ko sakanya.
"may malaki tayong problema kuya. " sabi nito saakin na syang pinagtaka ko.
"ano ang ibig mong sabihin? " tanong ko sakanya.
"ang dalagang nahuli nang mga kawal ay hindi ang dalagang nakasayaw at galing din sya sa mortal world. " pagkasabi nya saakin nun ay bigla akong naawa para sa dalagang sinasabi nito.
"alam ko na ceno na hindi sya ang dalagang kasayaw ko dahil nakita ko na ang dalagang yun. " pagkasabi ko nun sakanya ay may nakita akong pag aalala sa mga mata nang aking kapatid na syang ikinangiti ko dahil sa totoo lang ay mas matanda pa ito kung kumilos at mag isip kesa saakin. "ano ang balak mong gawin para kay lady yui? " tanong nito saakin.
"sa ngayon ay gusto ko munang makilala ang binibing yun. " sabi ko sakanya. At parang gusto kong matawa dahil sa reaction nito sa mga mata pero sigurado akong selos ang nakita ko kanina.
"sige ipapatawag ko sya bukas para makapag usap kayong dalawa." sabi nalang nito saakin at ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa mukha nang aking kapatid.
"bored ka nanaman kaya pinagtripan mo nanaman ang kapatid my lord. " pailing iling na sabi nang aking kaibigan na si aries.
"hahahaha nakita mo ba ang muhka nya aries? " tanong ko sakanya pero di ako nito sinagot. "priceless... 😂 ngayon ko lang ulit nakita ang ganong emotion sakanya. Magmula nang mawala sya. " sabi ko sakanya. "parang mas gusto kong makita ang dalagang sinasabi nito saakin." sabi ko pa sakanya. Ilang sigundo pa ay iniwan na sya nang kaibigan.

===!!===!!===!!===!!===!!===!!===!!===
End of chapter seven

a cinderella twisted storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon