Chapter 9

6 1 0
                                    

Meanwhile

(cinderella pov)

"giselle ano ang nangyari sa ball kagabi?" tanong nya sa kapatid.

"meron isang babae ang hinabol nang prinsipe." sabi ni saakin.

"nahanap nya ba ito?"

"oo! nakita nila itong walang malay sa kagubatan." sagot nito saakin. "kaya naman nagagalit si mama ngayon kaya naman onee chan wag ka munang magpakita kay mama dahil siguradong ikaw nanaman ang pag iinitan nya." paalala nito saakin.

Pagkatapos naming mag usap ni giselle ay aggad akong pumunta sa hardin ni mama na nasa gubat. Dahil sa mga tanong na naisip. Lalo na at baka mapahamak ang babae na yun. Pag karating ko sa hardin ay may nakita akong isang lalaki at nakatingin ito sa mfa bulaklak na inaalagaan ko.

"anong kailangan mo dito?" tanong ko sa binata.

"paumanhin binibini pero wala akong masamang binabalak sadyang nagandahan lang ako dito sa tanim mong blue roses." paliwanag nito saakin.

Nang makita ko ang kanyang mata nang lumingon ito saakin ay bigla nalang bumilis ang tibok nang aking puso. Huli kong naramdaman ito ay nang makasayaw ko sya.

"Sino ka ba?" Tanong ko sakanya.

"ako nga pala si aster." pakilala nito saakin. "at uulitin ko binibini nandito lang ako dahil nagagandahan ako sa mga tanim mong mga bulaklak." ulit na paliwanag nito saakin.

"alam ko." sabi ko sakanya. "saan ka ba papunta nyayon" tanong ko sakanya.

"sa totoo lang ay hindi ko alam dahil pinalayas ako nang aking mga magulang kaya naman wala na akong matutuluyan ay balak ko sanang dito sa gubat mag palipas nang gabi." paliwanag nito.

"delikado ang gubat sa gabi kaya naman kung wala kang matitirhan ay pwede kang tumira dito sa bahay na yun" sabay turo ko sa maliit na tahanan na ginawa ni ama para kay ina nung nabubuhay pa ito.

"pero binibini----" hindi ko na sya hinayaan ma magsalita ulit.

"cinderella ang pangalan ko at saka wag kang mag alala wala naman tumitira dito at akin ang lugar na ito. Kesa naman king saan saan ka matulog." sabi ko sakanya. Bigla nalang ito lumuhod sa harap ko na parang isa syang knight at isa akong princess. "A - anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko sakanya.

"maraming salamat princess sa kabutihan nang iyong loob . Tanging ikaw lang ang nagsabi nyan saakin lalo na at ilang araw na akong palaboy laboy." sabi nito saakin. "Kaya naman magmula sa araw na ito ay ipinapangako ko na ipagtatanggol kita kahit na anong mangyari." pangako nito saakin. Sasagot sana ako dito pero bakas sa muhka nito na kahit anong mangyari ay gagawin nito ang pangako saakin kahit na ayaw ko.

"Ang mabuti pa ay pumasok muna tayo sa bahay para makapagpahinga ka muna sa bahay." sabi nya nalang dito at pumasok na kami sa loob nang bahay. "nga pala aster ikaw na ang bahala dito sa bahay. Matagal nang walang tumitira dito kaya naman madumi kaya naman kailangan muna nating linisin ito at ayusin." sabi ko sakanya.

Pagkatapos kong sabihin yun sakanya ay nagumpisa na kaming maglinis na dalawa. mabuti nalang ay marunong itong maglinis kaya naging madali ang pag aayos naming dalawa. Nang matapos na kaming maglinis ay napansin kong papagabi.

"aster kailangan ko nang umiwi kaya ikaw na ang bahala dito." sabi ko sakanya at hindi ko na hinintay pa na magsalita ito saakin at umalis na agad.

<aster pov>

"kahit kailan talaga sya. Palagi nalang nya akong iniiwanan bigla at nagmamadaling umalis." sabi nya sa kanyang sarili. Kung nagtataka kayong kung kakilala ko si cinderella ay tama kayo alam kong sya ang babae na nakasayaw ko sa ball kaya naman sinundan ko sya ay iniwan ko kay ceno ang 'paghahanap sa babae na yun' dahil lingid sa kaalaman nilang lahat ay sinundan ko din si cinderella nung tumatakas ito sa mga guard nang palasyo. Nang makita ko syang isuot ang mga glass shoes na yun sa babae ay nagkahinala na akong ayaw nya magpahuli. kaya naman hinayaan ko na muna sya nang masigurado akong ligtas syang nakarating sakanila.

Alam ko rin na sa ina nya ang hardin na ito dahil nakilala ko ang kanyang ina nung maliit pa ako. Sa totoo lang ay nung 3 taon palang si cinderella ay kilala ko na sya dahil matalik na magkaibigan ang aking inang reyna sa ina nito.

Ngayon nakita nya ulit ito ay hindi na sya papayag pa ulit na iwanan nya ang babae na pinaka mamahal nya. Tama kayo nang nabasa bata palang sya ay mahal ko na si cinderella.

Kaya naman ngayon ay sinusundan ko ulit sya nang palihim sa pag uwi nang tahanan nila.

______________________________________________________________________

done for chapter 9


a cinderella twisted storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon