Taking a chance

709 38 0
                                    

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko safe ako. Sana pala si Ryan nalang ang minahal ko edi sana maligaya parin ako, sadyang tinamaan lang talaga ako sa iyo Greg.

Tumagal ang usapan namin ni Ryan, ayaw niya kasing umalis dahil baka daw may manloob dito sa bahay namin. Mamaya-maya ay nakita ko nalang si Ryan na nakahandusay sa sahig at may mga pasa sa mukha, hindi ko aakalaing magiging ganito si Greg, pati si Ryan pinag-bubuntungan niya ng galit.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin na huwag kang makikipagkita dyan sa lalaking 'yan ha? Tang*na b*b* ka ba o sadyang inutil ka lang? Gusto mo talagang nasasaktan ano?"

Hinila niya ako sa kama, biglang nag-igting ang bagang ko at pumikit na lamang. Ayoko na, sasaktan niya nanaman at gagamitin ng gagamitin. Para niyang pinapamukha sa akin na napakadumi ko talaga, bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataong magpaliwanag Greg? Bakit ayaw mo akong pakinggan? Pasensya na kung nasaktan kita, pinagsisisihan ko iyon pero 'wag mo naman akong pahirapan ng ganito.

Umaga nanaman, napangiti nalang ako kasi at nagpasalamat dahil hanggang ngayon ay nandito ka pa. Nasanay na kasi akong lagi kang wala pagkagising ko, sinulit ko ang pagkakataon na magkasama tayo.

Hinaplos ko ang buhok mo, itong buhok na ito. Naalala mo ba noong high school palang tayo? Lagi kang nagpapalagay ng wax sa akin kasi gusto mong nakikita ko kung gaano kaganda ang buhok mo.

Ang mga mata mo na laging sumisingkit pag napapatawa't napapangiti kita.

(skip natin yung ilong XD)

Ang labi mo, tumigil ang pagpapatansya ko dahil bigla kang tumalikod. Nagkunwari nalang akong tulog dahil baka pag nakita mo akong ganito, baka masira lang ang araw mo at iwanan mo nanaman ako.

Naramdaman kong tumayo ka at may pinulot sa drawer, mamaya-maya ay nagsalita ka.

"Audrey, sorry kung hindi ako nakapunta kagabi. I'll make it up to you baby, I love you."

Pinigilan kong umiyak, pero hindi ko na talaga kaya tumalikod nalang ako at niyakap ang kumot na nakapalupot sa katawan ko. Yung mga salitang 'yon, napaiksi ngunit napakasakit pakinggan. Hindi ko matanggap na hanggang dito nalang tayong dalawa, kailan ba 'to matatapos? Pagod na pagod na ako, mabuti pa at itulog ko nalang ulit ito. Baka sakali pang paggising ko, maayos na ang lahat. Baka siguro..

Second Chance [BTS Jimin FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon