Realization

878 35 8
                                    


Greg's POV

Totoo ba yung nakita ko? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis, kung kailan nakaka-adjust na si Charm sa sitwasyon biglang may mangyayaring ganito. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Hay ewan na, bukas ko nalang 'to iisipin.

This last night, ito na yung last night na magkakasama kami sa iisang kama. Okay lang, para 'to sa aming dalawa.

I decided not to have s*x with her, hoping na baka buntis nga siya. I'm so excited for tomorrow. I better call it a night.

Charm's POV

Hindi ko alam kung bakit ang awkward ng atmosphere, baka kasi hindi lang ako sanay na magkatabi kami na walang ginagawa. Most of the time kasi nagkakatabi lang kami pag mag-aano kami. Ngayon na pala, ngayon na magkakaalaman.

Nag-impake ako, inayos ko yung mga gamit ko at nagmadaling umalis. Ayaw ko na, parang hindi ko kayang makita yung magiging resulta. Naligo muna ako at hindi na nag-abala pang kumain, wala akong gana.

Napansin kong hindi pa rin gumagalaw si Greg sa kama namin, bakit siya nakatalukbong sa kumot? Siguro ay ayaw niyang maistorbo yung tulog niya, hinayaan ko nalang siya at dahan-dahang bumaba.

Nang makarating na ako sa may hagdan, may naamoy ako. Amoy pancakes, hay nako. Siguro dahil lang 'to sa gutom. Dire-diretso akong naglakad ng tumambad sa harap ko si Greg. Umigting yung bagang ko, patay. Bisto ako.

"Sa tingin mo makakaalis ka sa akin?"

Natatakot na ako, yung mga titig niya. Nanginginig ako sa kinakatayuan ko kaya nanahimik nalang ako. Kinuha niya sa akin yung maleta ko at hinila ako ng marahan papuntang kwarto.

Nilock niya yung pinto at lumapit sa akin.

Isang hakbang

Ikalawang hakbang

Malapit na siya, gusto kong tumakbo at tumakas pero parang hinihila yung lakas ko.

Author's POV

Nang makalapit si Greg kay Charm ay bigla siyang nanlambot, ganoon ba siya kalala na natatakot na sa kanya yung asawa niya? Yumuko siya sa harap ng kanyang asawa at umiyak, hindi niya na makayanan yung mga nararamdaman niya. Nagsisisi siya, pinunasan niya yung mga luhang tumutulo sa mga mata niya at tumingin ng diretso sa asawa niya. Umiiyak rin ito.

Ang ayaw niya sa lahat ay ang nakikitang umiiyak ang asawa niya dahil sa kanya pero lagi naman niya itong pinapaiyak, kaya madalas na siyang gabi umuwi dahil baka awayin niya lang ito ng magdamag. Hindi naman niya masisisi ang sarili niya, lalaki siya at mataas ang pride niya.

Oo, matagal na niya itong napatawad sa ginawa nito sa kanya pero sa tuwing makikita niya ang maamo nitong mukha, bumabalik lahat. Lahat ng mga nangyari.

Gusto niyang magsimulang muli, pero parang nagulo nanaman ang plano niya. Gusto niyang magsimula sa paraan na maghihiwalay sila, pero nang makita niya itong gumamit ng test, nabuhayan siya ng loob. Baka sa paraan na ito, mabuo ulit sila.

Pinunasan niya ang mga luha ni Charm at hinalikan ito, nang sa ganoon ay maramdaman nito na siya ay nasa mabuting kalagayan. Masyado na niya itong binigyan ng pasakit, ayaw na niyang mangyari pa ito.

Greg's POV

I decided to stand up and open Charm's baggage, no. She'll never leave me, kung napapagod siya. Ako naman ang bigyan niya ng pagkakataon, pagkakataon na magsimula ulit kami. I put her clothes in our closet again, making sure that I do it fast. Mamaya umalis siya, oo alam ko na aalis siya. Ganito kasi 'yon.

Second Chance [BTS Jimin FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon