Ugly Truth

650 31 1
                                    

Napagpasyahan ni Charm na pumunta sa simbahan, gusto niya sanang humingi ng tawad sa Diyos. Hihingi siya ng tawad sa lahat ng mga ginawa niya, umupo siya malapit sa may poon at lumuhod. Nang matapos siyang magdasal, may lalaking lumapit sa kanya.

"Wala kang kasalanan Charm, you shouldn't bury yourself in regrets and mistakes. Wala kang ginagawang mali, it's just that nagmahal ka lang."

Hot water starts to run down in my face, oo, tama siya. Nagmahal lang ako, wala nga namang masama kung tuturuan mo yun sarili mong magmahal diba?

Do I need to teach my heart to start over again? O baka naman kaya ako naiipit sa ganitong sitwasyon kasi gusto Niya akong matutong humingi ng tawad o baka naman hindi talaga siya yung the one? Ang sakit sa long isipin, mas mabuti pang bumalik na ako sa bahay namin.

---

Nung makabalik na ako sa amin, aakyat na sana ako pero nakita ko si Greg. Kasama niya si Audrey, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. I decided to go up stairs pero tinawag ako ni Audrey, kaya bumaba nalang ako.

"Umm, sorry to bother you Charm but i'm here to discuss about your divorce with Greg. So can we start?"

"W-wala, wala tayong dapat pag-usapan. Hindi ako pipirma dyan! Maayos namin ng asawa ko 'to, diba Greg? Sabi mo diba bibigyan mo ako ng oras? Nakapag-isip na ako Greg. H-hindi ako pipirma"

"Ano pang rason para magsama tayo Charm? Wala nang pagmamahal na namamagitan sa atin, mas lalo lang tayong magkakalabuan pag pinatagal pa natin 'to. I admit it, in the first place hindi naman talaga kita minahal. There's only one woman that I only loved, and it is Ariana. So you have no reason to stay, we can start a new life Charm. Ibibigay ko sayo lahat ng pera tutal naman company niyo 'yun. Pero akin yung company niyo, dahil pinapirma mo na sa akin. You can just stay in here, I don't want to live here anymore. It makes me hate you more day by day"

"P-pero Greg, paano na ako? Mahal kita Greg. A-ayokong mawalay sayo"

"Shit naman Charm! Hindi ka ba makaintindi? You're only forcing yourself to me, and that makes me feel disgusted at you."

"A-ah Greg, kung gusto mo iiwan ko na kayong dalawa ha. I have an appointment kasi eh" biglang sulpot ni Audrey sa amin.

Ngunit hindi siya pinansin ni Greg, binalewala ko nalang 'yon. Siguro nga, panahon na para lumaya.

"So what now Charm? Pipirmahan mo ba o ako na mismo ang kakaladkad sayo papuntang korte?"

"Greg, please. Just give me a chance, I'll promise that I'll never do it again just give me a second chance. I-im begging you" iyak ko sa kanya.

"I'm giving you the chance Charm, i'm giving you a chance to start again. To be happy with your new life, we can't be happy in this situation Charm. Lalo na't hindi tayo nakakaalis sa mga nakaraan natin, we need to focus and throw some attention to our future. Nagiging makasarili lang tayong dalawa, kasi hindi natin mabigay sa isa't-isa yung pagmamahalan na dapat nating makamit. Maybe yung pagmamahal na yun eh hindi para sa ating dalawa, maybe we're not compatible for each other. Maybe the love that we are waiting for is in someone, someone that is ready to accept us, I mean our past. Whatever it is but Charm, I don't want to be egocentric this time, it's for our benefit. Trust me Charm, we will find our second chance."

Napangiti nalang ako, oo nga. Baka nga nagiging selfish nalang ako, hindi ko man lang naisip na hindi lang pala ako yung nasasaktan ngayon. Maybe I was just thinking that Greg is the one who can love me. Maybe this time, if I open my heart and mind. I can find my second chance, this is the right decision.

Greg's POV

Then I guess I changed her mind, mas mapapadali 'to. I headed to the kitchen and grab some liquor, para naman mabawasan yug sakit ko sa ulo. Fvck this situation, damn my parents. Damn this world, I didn't know how cruel the world can be. Or baka naman binigay talaga 'tong problema na 'to sakin kasi alam nilang i'm tough enough to handle this situation. I snapped my phone out in my pocket and started to call Ryan. I need a friend who can give me a hand and advice.

Hours passed and nangangalahati na ang spirytus luksusowy, t*ngina talaga ni Ryan eh. Halatang Pilipino, laging late. I'm a bit tipsy but I can manage it so I decided to go upstairs, I want to sleep. Bahala na yung g*gong yun kung pupunta siya, mag-intay siya sa wala doon sa labas.

Charm's POV

Pagkatapos naming mag-usap ni Greg, umakyat nalang ako. Nakaramdam kasi ako nang pagkahilo, dahil siguro 'to sa pag-iyak ko. Hihiga na sana ako ng parang bumaliktad ang tiyan ko, dumiretso ako sa cr at I vomited. Napatungkod ang mga siko ko sa bowl at umiyak nalang ako. H-hindi, hindi 'to pwede. Paano na ako kung sakaling may nabubuhay dito sa tiyan ko? Maghihiwalay na kami ni Greg. Paano yung bata? A-ayokong mangyari 'yun.

Binuksan ko yung kit at kinuha yung p.t, kinakabahan man ako pero kailangan kong subukan. After few minutes, negative. Thank you Lord!

Nung makalabas na ako ng banyo, tumambad kaagad sa harap ko si Greg. Nagkatinginan kami at nagkailangan umiwas nalang ako at baka hindi ko makayanan, baka umiyak lang ako ulit.

Narinig kong bumukas yung pintuan kaya nagtaklob nalang ako ng kumot, aalis yata siya ngayon. Baka aayusin niya na yung papeles.

"Matulog ka na Charm, maaga pa tayo bukas, pupunta tayo sa doktor. Let's talk about this for tomorrow, just rest first."

Second Chance [BTS Jimin FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon