Chapter 01

161 19 3
                                    

(No Prologue. Sorry.)

Chapter 01

Monica's POV:

"Good morning!" Sabi ni John pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kwarto ko. Nakasuot lang ito ng... uhh, boxer. Napaiwas ako ng tingin at hindi na lang siya pinansin. Nagsimula na akong maglakad nang may sumulpot uling gago.

"How's your morning baby?" Sabi naman ni Liam sabay kindat sa akin. Walang emosyon lang ako tumingin sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad ko.

"Meron ata kaya masungit." Narinig kong bulong ni John kay Liam. Medyo napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga." Pagsasang-ayon ni Liam kay John at tumawa nang mahina, "Tatanda na sigurong dalaga yan." Napatigil ako sa paglalakad at sinamaan ko ng tingin yung dalawang iyon.

"Ha-ha-ha. May pagkain na doon sa table baby. Kain ka na." Sabi ni John habang nagpepeke ng ngiti. Inirapan ko na lang sila atsaka tumungo na sa lamesa at umupo na doon. Hindi muna ako kumain dahil iniintay ko pa silang matapos mag-ayos. Yung isa kasi naka-boxer pa lang tapos yung isa naka-short pa lang. Ughh.

Napatingin na lang ako sa kawalan. Kahit gago yang mga yan, mahal na mahal ko yang mga yan kahit ipinagkakait kong kapatid ko sila. Joke lang.

Wala ang mga magulang namin. Nandoon sila sa States na kasalukuyang nagtratrabaho dahil sa business nila. Naiintindihan naman namin yon tsaka in the first place naman, gusto ng mga magulang ko na isama kami sa States pero ayaw namin, tsaka ayokong iwanan ang mga kaibigan ko rito. Baka maglupasay pa yon sa iyak sa kakahanap sa akin. Joke lang ulit.

"May boyfriend ka na ba?" Bungad sa akin ni Liam nung nakaupo na sila sa lamesa nang hindi namamalayan. Parang nawala na naman ako sa mood at nawalan ng ekspresyon sa mukha. Nakakaasar naman eh. Kailangan pa ba nila itanong yon?

"Wala. At wala akong pake." Kunwari'y bale wala kong sabi at nagsimula nang kumain. Narinig ko namang bumungisngis yung isa kaya lalo akong nainis.

"Baby, ilang taon ka na?" Tanong ni John na parang nang-aasar.

"Fifteen. Kaya you don't have a right anymore para tawagin akong baby." Sabi ko sabay inom ng tubig.

"15 tapos NBSB? Pfft. Baka mamatay kang virgin ah." Natatawang sabi ni John. Nabuga ko naman ang tubig na iniinom ko. A-ano daw? V-v-vir-virgin?!

"Hahaha. Tama ka John, b-Aray naman! Bakit mo ako binatukan baby?!" Nakapout na sabi ni Liam.

"Nakakaasar ka kasi." Nakasimangot kong sagot.

"Hala? Si John kaya nagsabi ng Vir- Aray naman! Putek naman oh!" Angal ulit ni Liam nung binatukan ko siya muli. Napansin ko namang nakatawang nakatingin lang si John sa amin kaya binatukan ko rin siya.

The Liar's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon