04

2 0 0
                                    


[Tula]

Tama na ang pagtatagpi-tagpi ng mga salita
Para bumuo na isang magandang likha at obra
Na nais mong ihandong sa iyong sinisinta
Dahil ito ay mawawalan din ng kwenta kung siya ay hawak na nang iba.

Marami akong naging kaagaw sa'yo
Ngunit ang tanging mga salita na sasabihin sa'yo ay pawang na totoo.
Lumabas man ang totoo mong nararamdaman sa iyong bibig
Pero patuloy pa rin ang pag kabog ng dibdib.

Binalewala ang nararamdaman ng maraming beses
Kahit ang pag tulo ng luha ay naging gawain tuwing gabi.
Pati ang iyong matatamis na labi.
Ay aking hinahanap na parang ito'y nangyari lamang kagabi.

Para sa'yo aking kaibigan na hanggang ngayon buhay pa din ang paghanga
Tanong lang sa aking sarili kailan ito mawawala?
Maski aking sarili ay nagiging kalaban sa aking sariling nararamdaman.
Lilisan ba o patuloy lang sa pag usbong na para bang apoy sa pagliyab.
Sayo aking kaibigan ito'y para sayo maubos man ang salita at ako.

Mes Comptines Pour ToiWhere stories live. Discover now