Nakalabas na ng hospital si Chad, nagpapahinga lamang sya sa kanyang kwarto. Excited na syang makapasok muli sa trabaho.
Chad: ang boring na dito sa bahay, nababagot na kong nakatunganga sana naman mag next week na para makapasok na ko. Sobrang miss ko na si Ms. Kath. Hayyyy... namimiss ko na ung kilos nya, ung amoy ng pabango nya at lalo na yung mga ngiti nya. Namimiss niya na din kaya ako? hahaha ( napakamot sa ulo) napaka assuming ko naman yata masyado. hindi na bale magpapalakas alp mabuti para makapasok na ako.
Sa bahay ni Kath...
Kath: ang dami ko pang lessons na dapat tapusin, ilang araw ko na itong ginagawa hindi pa din ako matapos tapos. naku!!! magrerecord pa pala ako ng grades. hindi talaga ako makapag focus sa ginagawa ko lalo na at namimiss ko na ng sobra si Chad. Alam ko na siguro mas makakapagtrabaho ako mamayang gabi kung daanan ko sya ngayon sa kanila para dalhan ng dinner. Mas ok siguro kung ipagluluto ko sya ng gabihan. Mamaya ko na gagawin itong mga dapat kong gawin mas magkakaron ako ng motivations kapag nakita ko sya.
Dali daling nagluto si Kath ng paboritong ulam ni Chad. Kare-kare na madalas bilhin ni Chad sa canteen tuwing tanghalian. pagkatapos nitong magluto ay agad itong nagtungo sa bahay nila Chad para maihatid ang kanyang niluto at para na din mapanatag ito.
Kath: Tao po.... Chad????? si Kath ito......
Kath: wala yatang tao.. isa pa... tao po????? Chad si Kath ito!!!!!
Chad: Sandali lang!!
nagmadali itong bumangon sa pagkakahiga.
Chad: Kath pasok ka pasensya kana at hindi ako nakapaglinis, bakit di ka nagsabi na pupunta ka pala?
Kath: eh baka kasi mapagod ka at alam kong maglilinis ka at mag aabala. Binisita lang kita alam ko kasing hindi pa maayos ang pakiramdam mo kaya ito ipinagluto kita pwede na din kitang sabayan kumain para alam kong kakain ka talaga.
Chad: Nakakahiya naman sayo at nag abala ka pa. umupo ka muna dito at kukuha ako ng plato para makakain na tayo.
Kath: ayyy! wag na ako na mag aasikaso sayo. Ok lang naman ako dapat ikaw ang inaasikaso ko.
Chad: sige na nga (napakamot sa ulo habang nakangiti)
Kath: kumain ka ng marami hah magpalakas ka para next week makapasok ka na agad miss ka na kaya naming lahat.
Chad: Maraming salamat hah.. sobrang saya ko ngayon kung alam mo lang sobrang miss na rin kita.
Kath: hehe ikaw talaga alam naman namin yun na miss mo na magwork at miss mo na kami sa school. kumain na tayo at kumain ka na din mabuti.
Chad: hindi bukod sa miss ko na sa school at sa kanila sa totoo lang miss na din talaga kita.(hinawakan ang kamay ni Kath habang nilalagyan ng kanin ang plato nya) Kath miss na kita kasi mahal kita...
Kath: huh?
Chad: kath sabi ko mahal kita kaya miss na miss na kita. sobrang saya ko ngayon kasi hindi ko iniexpect na aasikasuhin mo ko ng ganto. kanina nung nakahiga ako ikaw iniisip ko tapos bigla ka nalang dumating nung narinig ko yung boses mo biglang naging panatag ako at bigla nalang tumalon yung puso ko sa tuwa. hindi ko maipaliwang pero pakiramdam ko kumpleto ako ngayon na binisita mo ko.
Kath: shhhhhh ( hinawakan ang labi ni Chad at biglang yumakap sabay bumulong) mahal din kita chad. Mahal na mahal.....
BINABASA MO ANG
"Akin ka nalang "
Romanceisang cute na Romantic Comedy na story para sa mga readers :) Written by: Mhine Magno