La Cita

966 48 1
                                    



                Sa isang maaliwalas, maganda at payapang lugar ay masayang-masaya at bakas ang galak sa mukha ni Xyreel Halo ng kaniyang malaman ang isang magandang balita na matagal na niyang hinihintay, ang magkaroon ng misyon sa mundo ng mga mortal. Di mawala-wala sa inosente nitong mukha ang isang ngiti na kahit sino ay mapapangiti din kapag masilayan ang nakangiti at inosente nitong mukha. Palundag-lundag ito at napapakanta pa sa labis na kagalakan na kaniyang nararamdaman. Magiliw din nitong binabati ang kapwa niya anghel na napapailing-iling na lang habang sinusulyapan siya tsaka ngingiti.

"Makakarating na din ako sa mundo ng mga mortal. Pupunta ako sa lupa."masaya nitong sabi

"Pupunta ako sa lupa."pakanta-kanta nitong bigkas. Di maiwasang mapakanta dahil sa sobrang kagalakan na nararamdam.



Sa kabilang banda, sa isang napaka-dilim na pasilyo ay mayroong dalawang di tao o mas magandang sabihin na dalawang demonyo na nakasuot ng purong itim na damit at masinsinang nag-uusap.

"Pumunta ka sa mundo ng mga mortal at doon ikaw ay maghasik ng lagim."
malaki, nakakatakot at malamig ang boses na usal nito na  para bang hinugot pa mula sa ilalim ng lupa.

"Masusunod mahal kong ama."
nakangising sagot naman ng kausap nito na nagbigay pugay muna bago umalis para maghanda para sakanyang pagpunta sa mundo ng mga mortal. Siya si Pierro Satanas ang kanang kamay at anak ng pinunong demonyo na si Satanas.




.....
Malalim na ang gabing iyon, bilog na bilog ang buwan at nagkalat ang mga bituin sa langit na tila ba'y isang napakagandang disenyo na kumikinag-kinang pa at sadyang kaysarap titigan at pagmasdan. Walang kamalay-malay ang mga mortal sa sabay na paglabas ng dalawang magka-ibang nilalang mula sa lagusan na mula pa sa magkaibang lugar.



....
Nagsimulang maglakad si Xyreel Halo mula sa lugar na pinaglabasan niya. Namamanghang inilibot niya ang paningin sa mga nagtataasang gusali, sa mga iba't-ibang sasakyan, at sa mga taong napapasulyap sa kaniya na may kakaibang tingin tsaka bubulong sa kasama nito.

"Ito pala ang mundo ng mga mortal. Nakakamangha naman ang mga gusali dito, ang mga sasakyan na sa tubig ng kahilingan ko lamang nakikita lalo pa ang mga kasuotan ng mga mortal ay sadyang kakaiba. Nakakamangha. Ngunit bakit tila yata kakaiba ang mga ipinupukol na tingin nila sa akin?"nagtataka nitong tanong sa sarili.

"Wala namang dumi sa mukha ko at-- aha alam ko na! Marahil dahil ito sa aking kasuotan. Kailangan ko atang palitan ang aking kasuotan. Tama, iyon nga ang nararapat kong gawin."aniya sa sarili ng mapatingin sa suot niyang puting bestida na hanggang tuhod, sa gintong porselas nito sa kamay at sa gintong pangsapin nito sa paa na sadya naman talagang kapansin-pansin lalo pa sa mga masasamang tao na noon rin ay matiim ng nakamasid kay Xyreel na tila ba ay naghahanap lamang ng tiyempo para maisagawa ang masamang balak nito sa munting anghel na inosente at namamanghang nakatingin parin sa mga nagtataasang gusali at sa mga mortal.



Sa kabilang dako naman, ay nakabusangot at halata ang pagkainis sa mukha ni Pierro Satanas ng paglabas niya ay amoy agad ng basura ang kanyang naamoy at nabungaran.

"Sinasabi ko na nga bang gagawa na naman ng kalokohan si ama. Sa basurahan pa talaga ako naisipang itapon. Magaling."puno ng kasarkastikohang sabi nito, at sa kaniyang isip ay nakikita niya ang ama niyang pinagtatawanan siya at animo'y nang-aasar pa.


Napapa-iling-iling na lang siyang tinahak papalabas ang madilim na lugar na iyon. Habang naglalakad ay di maalis ang pagkabusangot ng mukha niya. Pinagsisipa niya rin ang isang di babasaging botelya para maibsan kahit papaano ang inis na nararamdaman niya.

Ilang minuto din niyang tinahak ang di pamilyar na daan hanggang sa napatigil na lamang  siya ng  makita  ang inosenteng mukha ni Xyreel Halo nang sandali ding iyon ay nakangiti paring pinagmamasdan ang kaniyang paligid.

El Ángel Del Demonio (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon