Prologue

37 2 1
                                    

Ang nagnining-ning sa kagandahan na simbahan ang bumungad sa akin. Kulay rosas ang nagingibabaw na may halong kulay ube, iyon siguro ang paboritong kulay niya.

Ipinasada ko ang aking tingin sa kabuuan ng simbahan. Namangha ako sa disenyo ng buong simbahan. Sa unang tingin mo palang ay alam mo na, na milyones ang iginastos dito.

With my pink and with some shining purple gems, dress, I slowly walked through the aisle. Nang makaupo, inilibot ko ang aking paningin sa mga tao. They are all wearing pink gowns and dresses. Their faces showing so much happiness makes me to go back.

I am so damn out of place!

Hindi ako nararapat dito. Dahil alam ko sa sarili ko na, kahit kailan hindi ako magiging masaya katulad ng mga tao ngayon dito. Hinding hindi ako magiging masaya sa araw na 'to.

Diba dapat masaya ako? Diba? Pero bakit?

Stupid, self. Alam mo na ang sagot diyan.

Dahil unti-unting napupunit ang puso mo, at unti unti na ring sinasampal sa'yo ang katotohanang hindi na pwedeng balikan ang nakaraan.

Mapakla akong ngumiti. Tumungo ako at pinigilan ang unti-unting umuusbong na kalungkutan.

"Hi ate Chzyzza!" a genuine smile from Katie greeted me. Ngumiti ako pabalik sa kanya at pinaupo sa tabi. She's so cute on her pink dress. She's also wearing a purple headdress that makes her look more a cutie!

"Hello, Katie! You're so cuteee! Kamusta ka na?" pinisil ko ang pisnge niya na agad naman niyang nginiwian.

"I'm so fine ateee!!" she replied enthusiastically.

'Sana all.'

"Ang ganda po ninyo ngayon. Sayang at--" a voice interrupted her.

"Katie! Halika na! Magre-ready na daw!" her yaya told her. Nalipat ang paningin niya sa'kin at ngumiti.

"Ay! Ikaw pala Chzyzza! Kunin ko muna si Katie ah?"

"Ah, sige po."

Sinundan ko sila ng tingin at yumuko nalang.

'Okay na naman sila. Mukhang ako lang ang hindi pa okay.'

A popular wedding song played. Inangat ko ang aking paningin, at nahagip ng aking paningin ang isang madilim na mga mata na diretsong nakatitig sa akin. I felt my eyes widened.

'Ang mga mata niya... Na nakakapanghina...'

Nakatayo siya sa malayo ngunit alam ko na diretsong nakatingin sa akin ang mga mata niya. Hindi ko mawari ang kanyang ekspresyon na ipinapakita. May lumapit sa kanya na siguro ay make-up artist at kinausap siya ngunit parang wala siyang balak na lubayan ang aking paningin.

Tumikhim ako at sinalubong ang nagbabagang tingin niya.

While looking on his eyes, thousands of memories flooded my mind. Unti-unting nanubig ang aking mga mata.

'Nakakainis!!! Nagagalit ako!!! Tama na, Chzyzza!!!'

Iniwas ko ang aking paningin. Dahil kung hindi ko iiwas ay panigurado akong makikita niya ang aking luhaan na mga mata.

Pasimple kong pinunasan ang aking luha. I took my small mirror and tried to retouch my make up. Huminga ako ng malalim nang makontento na sa aking itsura.

I stood up. Dahan dahan akong naglakad paalis sa simbahan nang hindi na lumingon pa.

'I pray for your happiness, even if I am not already the reason behind your smiles. I hope the decision I've made will give us a chance to go on with our lives, without the presence of each other.'

'Thank you, W.'

'It seems like, this will be my last glimpse of you.'

---

This is a work of fiction.
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including recording, photo copying or by any information storage, without the permission of the author.

© kehyxx
  ALL RIGHTS RESERVED

Last Glimpse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon