'Dione'
(Chzyzza's)
On my blue and white uniform, I tirelessly walked through the noisy students. Kanina pa nag te-text sa akin si Rhollin, na kanina pa daw sila sa comp. Lab (kung saan kami nag pa-practice).
Ininda ko ang pagod sa paglinis ng C.R namin. Cleaners namin ngayon eh, psh!
Nang makarating na sa library, dinig na dinig ko ang boses ni Mrs. Palma. Natakot ako bigla, baka kasi pagalitan niya ako kasi late na naman ako. Nilakasan ko ang loob ko at binuksan na ang pintuan.
"Oh, Ms. Montes. Bakit late ka?" agarang tanong ni Mrs. Palma. Nahagip ko si Rhollin sa dulo na ngumingiti, tila nang-aasar.
"Sorry po, naglinis pa po kasi kami ng C.R. Hehe, alam nyo na cleaners namin." pahinging umanhin ko kay Mrs. Palma.
She just shrugged and focused to the paper she's holding. I took that as an opportunity to sit beside Rhollin.
"Oh, masarap bang maglinis sa maduming C.R natin?" pang-aasar niya. Inilingan ko nalang siya at kinuha na ang aking papel at ballpen.
"Anong topic namin?" tanong ko kay Rhollin, na tutok na sa isinusulat.
"NDRRM Comedy." sambit niya.
Sinimulan ko nang mag-isip ng scenarios. Tahimik na ang buong comp. Lab, nang sirain ni Mrs. Palma ang katahimikan.
"Ms. Montes, about kahapon, wala ka bang nakuhang sugat or something?"
Mabilis nila akong hinarap gamit ang mga nagtatanong mga mata. Kinabahan naman ako ng wala sa oras!
Hay! Kinakalimutan ko na nga ang pangyayaring 'yon! Actually, inalis ko na ang araw na 'yon sa calendar ko tapos eto at mukhang ipapa-alam pa ni Mrs. Palma dito? Huhuhuhu!
Nahihiyang ngumiti ako sa kanila.
"Uhm, wala naman po." nahihiyang sambit ko. Tumango si Mrs. Palma at ibinalik na ang tingin sa papel na hawak niya. Nahagip ko ang "you-have-to-chismis-it-later- look" ni Rhollin. I just rolled my eyes.
Halos patapos na kaming lahat nang magpaalam si Mrs. Palma.
"Okay, everyone. Babalik lang ako sa kuwarto ko ilalagay ko lang ang gamit ko. Seyrah, ikaw muna ang magbantay sa kanila, ok? Babalik din naman ako para I-check ang ginawa niyo." bilin ni Mrs. Palma.
"Sana all bumabalik!!!" sigaw nila at nagtawanan kami. Umiling lang si Mrs. Palma sa pagka hyper namin.
"Tss. O siya, alis na ako. Seyrah bantayan mo yang mga sutil na kapatid mo."
"Okay po." sambit ni Ate Seyrah. She's a Grade 11 student, katulad ko Vignette Writer din siya. Sa aming lahat siya lang ang Senior High dito kaya siya ang pinagkakatiwalaan ni Coach. Puro immature kami lahat eh.
Nang makaalis si Coach, ay bumalik na kami sa pagsusulat. Pero bago ako bumalik sa pagsusulat, nahagip ko ang cellphone na siguro'y naiwan ni Coach.
"Uy guys, naiwan ni Mrs. Palma ang cellphone niya."
"Hala, habulin mo muna siya Chzyzza please? Hindi pa naman siguro 'yon nakalayo." sambit ni Ate Seyrah.
"Okay, ate." at kinuha na ang cellphone.
Halos mahulog ako habang bumababa sa hagdanan. Ang maaliwalas na field ang bumungad sa akin. Mangilan ngilang estudyante lang ang nakikita ko, syempre nakauwi na siguro ang iba.
Inilinga ko ang ulo ko upang hanapin si Coach. At namataan ko siya papasok sa Administrator's Office. Mabilis akong tumakbo papunta doon.
"Coach!" tawag ko sa kanya.
Pero bago niya pa ako nilingon ay may tumawag sa kanya.
Mabilis akong tumigil sa pagtakbo. Parang gusto kong umatras, dulot ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Ughh! Hindi pa ako handa na harapin sila- siya! Sa kahihiyang ginawa ko kahapon?! Big NO!!!
"Ma'am, kami na po ang magdadala ng gamit niyo." he said while showing his perfect teeth. Hays, napaka amo talaga ng mukha niya. No doubt, halos lahat ng mga babae dito eh crush siya. Ops! Hindi ako kabilang do'n!
"Naku! Salamat, Wrath. Ba't 'di pa kayo umuuwi?" narinig kong tanong ni Mrs. Palma sa kanila.
Oh, Chzyzza? Tatayo ka nalang ba?
Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanila ng hindi tumitingin sa grupo niya dahil sa kahihiyan ko kahapon. Grr! Naalala ko na naman!
Nang makalapit sa likod ni Mrs. Palma ay umubo ako upang makuha ang atensyon niya. Mabilis naman siyang humarap at kumunot ang noo niya.
"Oh, Chzyzza! Bakit?"
"A-ahm.. N-Naiwan po ninyo ang cellphone ninyo." nauutal kong sabi. Paano ba naman kasi! 'Di pa sila umaalis! Panigurado, tinitignan nila ako!
Eh, ano naman ngayon Chzyzza? 'Di mo naman siya totoong crush diba? Ba't nagpapa-apekto ka?
Grrr!
"Ma'am sige po, ihahatid na namin itong gamit ninyo." nakangiting sambit niya.
"Sige, salamat ha!"
Nagulat ako nang tumango siya sakin! Tila nagpapaalam. Nakaawang ang bibig ko habang tinitignan silang naglalakad.
Syet! Tinanguan niya ako!
Naramdaman kong nag init ng sobra ang mga pisngi ko!
Hinawakan ko ang mga ito, nang mapansin ko ang natutuwang si Mrs. Palma!Tumikhim ako at kinalma ang sarili. Nakakahiya ka, Chzyzza! Sa harap pa talaga ni Coach?
"Uhm, sige balik na din po ako, Coach." nahihiyang sambit ko sa kanya. Malisyosa siyang ngumiti sa akin.
"Salamat, Chzyzza ah? By the way, pakisabi kay Ate Seyrah mo na siya na ang bahalang mag collect ng ginawa niyo." bilin niya.
Tumango ako at ngumiti. "Sige, Coach." at tumalikod na.
"Bye, Mr. W." nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Mrs. Palma! Ngumiti siya at nag peace sign.
Tinutukso ba niya ako sa Wrath na 'yon?!
"C-Coach?!" naalarma kong tanong.
"Oh bakit?" natatawang sambit niya!Haynaku! Pati ba naman si Mrs. Palma?!
"Sige na..." at tuluyan na siyang pumasok. Naiwan naman akong nakatulala.
--
"Sige, bye na! Ang ingay mo!" paalam ko kay Rhollin.
"Bye beshy!" at nag flying kiss pa! Umiling nalang ako. Tinignan ko siyang pumara ng tricycle. It's already 5:36 pm na.
Maglalakad ako ngayon, since malapit lang din naman ang bahay namin. It's a good thing din naman, para walang problema sa transportation. Nakakatipid.
Tinignan ko ang kalangitan na nag-aagawan na ang dilim at kahel na kulay. Ibinalik ko ang paningin sa nilalakaran nang may nakita akong -- isang ID?
Jhylla Kate Dela Fuente
Tinignan ko ang picture ng babae. May mahabang buhok at ang ganda niya!
Tinignan ko ang likod ng I.D para sana matawagan ang number na nakalagay ngunit naagaw ng isang picture ang atensyon ko.
Ang babae...kasama si Wrath! Nakaakbay si Wrath sa kanya at ang babae naman ay tinititigan ang mukha ni Wrath.
May nakalagay na mga salita sa ilalim ng litrato.
'Your smile is everything. I hope you could forgive me. I love you, Dione. But it's a goodbye for now.'
---
END OF CHAPTER 2