'Campus Crush'
(Chzyzza's)
"Okay, so for the vignette writers, your topic is 'Campus Crush'. I'll give you 1 hour. Okay?!" sambit ni Mrs. Palma, ang coach namin. Mabilis din siyang umalis. Nagpaalam siya na may kakausapin lang daw.
Kinalabit ako ni Rhollin. Ngumisi siya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hm. Maganda ang topic ninyo! Nakakainggit! Sayang at ibinagsak ako sa essay! Teachers na naman ang topic! Huhu!" nanghihinayang na sabi niya.
Tinawanan ko nalang siya.
"Bwahahaha! Mainggit ka talaga! Hmm... Sino kaya ang pwede ko maimagine para sa character na gagawin ko Rhollin?"
Nakangiting tanong ko sa kanya. Umastang nag-iisip rin ang lola niyo.
"Ahh sige, ganito nalang!" excited na sabi niya. Nagpapalakpak pa ang mga kamay niya.
"Nakikita mo ba ang pintuan na 'yan? Iyan ang magsisilbing guide mo! Bwahahaha!" at malakas siyang tumawa.
"Ahh, so akala mo may naintindihan ako sa sinabi mo?" sarkastikong sambit ko.
"Psh! Ganito yan... Ay wait!! Ano nga pala ang paborito mong number! Hanggang 10 lang!"
"Hmmm? 6?"
"Yan! Kung sino ang ika-anim na papasok sa pintuan na 'yan, siya ang iimagine-nin mo sa character mo!' Yong lalaki! BWAHAHAHA!" at natawa na naman ang gaga.
Inirapan ko nalang siya.
"Tanga ka na ba talaga Rhollin?! Isang oras lang ang ibinigay sa atin! ISANG.ORAS! Hays! Kahit kailan hindi ka talaga nag-iisip. Kabanas!""Ay! Oo nga ano?!" inirapan ko nalang siya.
Kahit kelan talaga walang matinong naiisip 'to. Itinuon ko nalang ang aking pansin sa papel na nasa harap ko. Kinuha ko ang papel na nakalista ang mga madalas gamitin na sensory words. Ibinigay ni Coach sa amin.
Lima kaming vignette writers. Ang essay writers naman ay lima rin. Sa sabado pa naman ang contest na sasalihan namin.
Ipinasada ko ang paningin ko sa mga kasama ko ngayon. Focus na sila sa pagsusulat. Mukhang ako palang ang hindi pa nakaka-isip ng isusulat. Hays!
Sabi ni Coach... pwedeng experience mo or gawa gawa. Sa experience... meron nam--
Ipinilig ko ang aking ulo nang may maalala.
(Flashback)
"Hoy! Rhollin!! Ibalik mo na nga yan! Magsisimula na ang flag ceremony! HOY!" inis na sigaw ko sa kanya. Kinuha niya ba naman ang diary ko--- kung saan nakalista doon ang mga crush ko!
Oo! Nakalista talaga!
Naiinis kong hinabol ang walanghiyang kaibigan ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga studyante pero wapakels ako! Kailangan ko talagang makuha ang diary!
Hindi niya pwedeng malaman na isa si Erick, na kapatid niya sa mga crush ko! Nakakahiya yon!
Baka isipin niya na kaya pala araw araw ko siyang pinipilit na tumambay sa bahay nila dahil kay Erick, which is 50% true din naman. Isa pang dahilan kung bakit gusto kong tumambay sa bahay nila ay ang MASARAP NA PAGKAIN!
Okay, back to the topic.
Malapit ko na sanang mahablot ang diary ko mula sa kanya ng may maapakan ako! Shit!
"Aray!!" daing ng naapakan ko. Nilingon ko ang lalaking naapakan ko. Nakangiwi siya at nilinis ang sapatos niya. Kilala ko ang lalaking ito dahil ito ang HALOS crush ng buong school!