'Speechless'
(Chzyzza's)
Problemado kong tinitigan ang I.D na nasa harap ko. Paano ko ba 'to isasauli?
Eh hindi ko naman kilala ang Jhylla na ito.Well, she's pretty at panigurado ako, she's popular. But... I don't care.
Wala akong pakealam sa halos lahat ng tao sa school pwera nalang kung mga kakilala ko talaga. I'm anti-social. I don't like attention, praises and such. Pero I have a really really noisy bestfriend, we're opposite. But it doesn't matter, our friendship only matters to me.
Anyway, back to the topic.
Maybe I could use social media to reach her right? Nowadays, you just have to do some clicking and you will get or find what you want in just a second.
Umiling nalang ako sa stress na ibinibigay ng I.D na 'to. Well, I could just throw it, but of course I'm a good samaritan so I will not do that. Maybe I'll just ask some of my friends if they know this girl and ask help from them to give this to her right?
"Lorraine! Bumaba ka na riyan! Dinner na!" sigaw ni Auntie Rose sa baba. I rolled my eyes. Dinner means 'sermon' to me. Ibinalik ko nalang muna ang I.D sa loob ng bag ko at dumiretso na sa baba.
I'm living with my Auntie Rose. She's widowed. Maybe that explains why she is sooo hot tempered. Sermon doon, sermon dito. Halos dumugo na ang tenga ko sa bawat sermon niya.
But... I'm still thankful for her. Kahit bungangera ang Auntie ko na 'to, I know she really loves me. When my mother died when I was 3 years old, she took all the responsibilities. Hanggang sa namatay si Tito William na asawa niya, she was... devastated. Naaawa ang pitong taong gulang na sarili ko sa kanya noon. I saw how she mourned the death of her husband, it's just sad.
"Oh sige na't umupo ka na dito Lorraine." mabilis naman akong umupo. Tinignan ko si Auntie na naglalagay ng mga pinggan. Auntie is almost on her mid 40s. Si Mama lang at Auntie Rose ang anak, si Auntie ang matanda. And I know she loved my mother so much.
Sa pag-iisip sa aking ina, unti-unting kinakain ng kalungkutan ang sistema ko. Ang swerte swerte ng iba na hanggang ngayon nakakasama ang kanilang ina. Iniling ko nalang ang ulo ko upang matigil ang umuusbong na kalungkutan.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin at nakita ang nakatitig na si Luke sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi siya sa akin. I rolled my eyes.
"What?" mataray kong sabi sa kanya. Umupo na rin si Auntie sa tabi ng anak niyang si Luke. In my 15 years living with them, kahit wala akong ina, I know that they are one of the factors that helped me grow.
"Wala, naririnig ko lang ang mga chismis sa school na may crush ka daw? Sino ba 'yon? Wrath?" panunukso niya sa akin. Kumain muna ako bago sinagot ang nakangising pinsan ko.
"Hindi 'yon totoo. Basta! Mahabang kwento! Si Rhollin talaga ang puno't dulo ng lahat ok?" naiiritang sambit ko sa kanya. Tumahimik nalang siya at nagpatuloy na sa pag kain. Hay, pag binanggit ko talaga si Rhollin natatahimik 'tong pinsan ko. I laugh at that thought.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Auntie Rose. Himala, wala siyang nahandang sermon sa akin ah?
"Anong tinatawa mo?" tanong ni Auntie. Pinandilatan naman ako ng mata ni Luke. Psh.
"Wala po. Mukhang tinamaan nga lang ang anak ninyo sa bes--aray!" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay may sumipa sa akin sa ilalim ng mesa. Pinandilatan uli ako ng pinsan ko. Ngumisi nalang ako sa kanya.
Kala mo ha.
"Sino, Lorraine?" tanong uli ni Auntie. Umiling nalang ako at tumawa. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Luke. Pfft.